Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagsusulong ng pananagutan at katarungan, hindi dapat nakakapinsala sa kapwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 512 total views

Binigyang-diin ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo- Chairperson ng CBCP Episcopal Commission on InterReligious Dialogue na ang pagsusulong ng pananagutan at katarungan ay dapat isagawa sa paraang hindi nakapipinsala sa kapakanan ng ibang mamamayan.

Ito ang bahagi ng pahayag na ipinaabot ng Obispo sa himpilan ng Radyo Veritas na may titulong na “A Call for Peace, Accountability, and Mutual Respect in Times of Civic Assembly,” kaugnay sa biglaang pagtitipon ng isang religious group sa People Power Monument mula Martes ng madaling araw.

Ayon kay Bishop Bagaforo na siya ring Convenor ng InterReligious Leaders Council for National Transformation (IRLCNT), bilang pamayanan ng pananampalataya, mahalagang maipahayag ang mga hinaing nang hindi naaabala ang kabuhayan at pang-araw-araw na buhay ng ibang mamamayan, lalo na ang mga manggagawa, mag-aaral, at mga serbisyong pang-emergency na maaaring maapektuhan ng matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko.

“A healthy democracy thrives on the fair application of justice through established legal channels, free from external pressure. As a community of faith, we must remember that true solidarity means voicing our grievances without disrupting the lives of our neighbors. The gridlock of major thoroughfares like EDSA inflicts heavy burdens on daily wage earners, students, and emergency services.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radyo Veritas.

Binigyang-diin ni Bishop Bagaforo na bagamat karapat ng bawat isa ang malayang pagpapahayag ng saloobin at pakikiisa sa mga pagkilos ay iginiit naman ng Obispo na kaakibat nito ang pananagutan ng mga organizer na tiyakin ang kaligtasan, kaayusan, at pagsunod sa batas sa lahat ng pagtitipon.

“As we witness the public assemblies in Metro Manila today, we are reminded of the vibrant democracy God has blessed us with. Every citizen holds the inherent right to express their views, seek redress, and hold institutions accountable. Yet, the expression of our convictions must always balance personal freedom with a loving concern for our fellow Filipinos.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Nanawagan din si Bishop Bagaforo sa mga nagpapatupad ng batas na pairalin ang maximum tolerance at paggalang sa karapatan ng lahat ng kalahok sa mga pagtitipon upang maiwasan din ang kaguluhan at sakitan.

Samantala, muli namang hinimok ng Obispo ang sambayanan na harapin ang mga usaping pambansa nang may paggalang sa isa’t isa at sama-samang pagsusulong ng kabutihang panlahat, kasabay ng patuloy na pananalangin para sa ganap na pag-iral ng katotohanan, katarungan, pananagutan, at integridad sa pamahalaan.

“We join the nation in praying for truth, justice, accountability, and integrity in public leadership,” Ayon pa kay Bishop Bagaforo.

Nanalangin naman si Bishop Bagaforo na pagkalooban ng Diyos ang bansa ng kaayusan, karunungan para sa mga pinuno at mamamayan, at kapayapaan para sa buong sambayanan.

Matatandaang noong nakaraang araw ng Linggo, June 28, 2026 ay pinangasiwaan ng InterReligious Leaders Council for National Transformation (IRLCNT) ang White Ribbon March sa parehong lugar sa People Power Monument bilang isang faith-based at non-partisan na pagkilos para sa katotohanan, katarungan, at pambansang pagpapanibago.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 79,197 total views

 79,197 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 146,685 total views

 146,685 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 167,750 total views

 167,750 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 188,643 total views

 188,643 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 219,505 total views

 219,505 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top