Paggalang at pangangalaga sa buhay ng tao, prayer intention ng santo papa ngayong July 2026

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,766 total reads

Inilaan ni Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV ang kanyang prayer intention ngayong buwan ng Hulyo para sa paggalang at pangangalaga sa buhay ng tao sa lahat ng yugto nito.
Layunin ng Santo Papa na ipanalangin ang higit na pagkilala sa kasagraduhan ng buhay bilang isang natatanging kaloob ng Diyos na dapat igalang, pangalagaan, at ipagtanggol mula sa paglilihi hanggang sa likas na kamatayan.

Binigyang-diin din ni Pope Leo XIV ang kahalagahan ng pagtataguyod sa dignidad ng bawat tao, lalo na sa gitna ng iba’t ibang banta sa buhay at paglabag sa karapatang pantao sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

“Let us pray for the respect and protection of human life in all its stages, recognizing it as a gift from God,” panalangin ng Santo Papa para sa buwan ng Hulyo.
Muli ring ipinapaalala ng Santo Papa na ang bawat buhay ng tao ay mahalaga at dapat pahalagahan anuman ang kalagayan, edad, o antas sa lipunan.
Hinihikayat din ni Pope Leo XIV ang mga mananampalataya na maging tagapagtanggol ng buhay sa pamamagitan ng pagpapakita ng malasakit, pakikiisa, at pagtataguyod ng kultura ng paggalang at pagmamahal sa kapwa.

Una nang binigyang-diin ng Santo Papa na ang tunay na pag-unlad ng lipunan ay nakabatay sa pagkilala at paggalang sa likas na dignidad ng bawat tao bilang nilikha sa wangis ng Diyos.
Bahagi rin ng panawagan ng Santo Papa ang pagpapaalala na ang Simbahan ay patuloy na nakikiisa sa pagtatanggol sa buhay at sa pangangalaga sa mga pinakamahihina at higit na nangangailangan sa lipunan.

Ang Pope’s Worldwide Prayer Network ay buwanang naglalabas ng prayer intention ng Santo Papa upang hikayatin ang mga mananampalataya na sama-samang manalangin para sa mga mahahalagang usapin sa Simbahan at sa daigdig.

Environmental advocates, kinilala ng PMPI

 19,889 total reads

 19,889 total reads Iginiit ng Philippine Misereor Partnership Incorporated o PMPI na bahagi ng makataong pagtugon sa mga krisis ang pangangalaga sa kalikasan, kasabay ng paggunita

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 50,942 total reads

 50,942 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 111,439 total reads

 111,439 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 130,954 total reads

 130,954 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 211,608 total reads

 211,608 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 311,049 total reads

 311,049 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top