Pagsusulong ng pananagutan at katarungan, hindi dapat nakakapinsala sa kapwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,371 total reads

Binigyang-diin ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo- Chairperson ng CBCP Episcopal Commission on InterReligious Dialogue na ang pagsusulong ng pananagutan at katarungan ay dapat isagawa sa paraang hindi nakapipinsala sa kapakanan ng ibang mamamayan.

Ito ang bahagi ng pahayag na ipinaabot ng Obispo sa himpilan ng Radyo Veritas na may titulong na “A Call for Peace, Accountability, and Mutual Respect in Times of Civic Assembly,” kaugnay sa biglaang pagtitipon ng isang religious group sa People Power Monument mula Martes ng madaling araw.

Ayon kay Bishop Bagaforo na siya ring Convenor ng InterReligious Leaders Council for National Transformation (IRLCNT), bilang pamayanan ng pananampalataya, mahalagang maipahayag ang mga hinaing nang hindi naaabala ang kabuhayan at pang-araw-araw na buhay ng ibang mamamayan, lalo na ang mga manggagawa, mag-aaral, at mga serbisyong pang-emergency na maaaring maapektuhan ng matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko.

“A healthy democracy thrives on the fair application of justice through established legal channels, free from external pressure. As a community of faith, we must remember that true solidarity means voicing our grievances without disrupting the lives of our neighbors. The gridlock of major thoroughfares like EDSA inflicts heavy burdens on daily wage earners, students, and emergency services.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radyo Veritas.

Binigyang-diin ni Bishop Bagaforo na bagamat karapat ng bawat isa ang malayang pagpapahayag ng saloobin at pakikiisa sa mga pagkilos ay iginiit naman ng Obispo na kaakibat nito ang pananagutan ng mga organizer na tiyakin ang kaligtasan, kaayusan, at pagsunod sa batas sa lahat ng pagtitipon.

“As we witness the public assemblies in Metro Manila today, we are reminded of the vibrant democracy God has blessed us with. Every citizen holds the inherent right to express their views, seek redress, and hold institutions accountable. Yet, the expression of our convictions must always balance personal freedom with a loving concern for our fellow Filipinos.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Nanawagan din si Bishop Bagaforo sa mga nagpapatupad ng batas na pairalin ang maximum tolerance at paggalang sa karapatan ng lahat ng kalahok sa mga pagtitipon upang maiwasan din ang kaguluhan at sakitan.

Samantala, muli namang hinimok ng Obispo ang sambayanan na harapin ang mga usaping pambansa nang may paggalang sa isa’t isa at sama-samang pagsusulong ng kabutihang panlahat, kasabay ng patuloy na pananalangin para sa ganap na pag-iral ng katotohanan, katarungan, pananagutan, at integridad sa pamahalaan.

“We join the nation in praying for truth, justice, accountability, and integrity in public leadership,” Ayon pa kay Bishop Bagaforo.

Nanalangin naman si Bishop Bagaforo na pagkalooban ng Diyos ang bansa ng kaayusan, karunungan para sa mga pinuno at mamamayan, at kapayapaan para sa buong sambayanan.

Matatandaang noong nakaraang araw ng Linggo, June 28, 2026 ay pinangasiwaan ng InterReligious Leaders Council for National Transformation (IRLCNT) ang White Ribbon March sa parehong lugar sa People Power Monument bilang isang faith-based at non-partisan na pagkilos para sa katotohanan, katarungan, at pambansang pagpapanibago.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 53,552 total reads

 53,552 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 87,070 total reads

 87,070 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 188,896 total reads

 188,896 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 229,453 total reads

 229,453 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 247,804 total reads

 247,804 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 50,487 total reads

 50,487 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top