85-pesos na wage hike, malaking tulong sa minimum wage earners sa NCR-Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,166 total reads

Pinuri ng mga lider ng Simbahang Katolika ang 85-pesos na wage increase ng Department of Labor and Employment o DOLE sa arawang sahod ng mga minimum wage earner sa National Capital Region o Metropolitan Manila na
Ayon kay Prelature of Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo, higit na kinakailangan ngayon ng mga manggagawa ang wage hike dahil sa nararanasang krisis sa ekonomiya sa Pilipinas maging sa buong mundo.

Sinabi ng Obispo na ang ₱85 dagdag-sahod ay malaking tulong sa mga manggagawa upang maibsan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng gastusin sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Gayunpaman, iginiit ni Bishop Pabillo na kasunod ng wage hike ay dapat magkaroon ng balanse sa pagitan ng dignidad ng mga manggagwa at kakayahan ng mga employers na maipagpatuloy ang kanilang mga operasyon upang maging maayos ang kalakalan kasunod ng parehong pagkamit ng makatarungan kita ng mga mangggagawa at employers.

“Itong pagtaas ng sweldo para sa Metro Manila, talagang nangangailangan naman ang mga tao ng pagtaas ng sahod ngayong panahon ng paghihirap, kaya sana makatulong ito sa mga tao, pero sana hindi naman mahirapan ang mga nagpapasweldo sa kanila. Sa pinag-usapan naman sa tuwing ito, ‘yung ₱85 na pagtaas ng sahod ay tulong sa tao, pero hindi sana mapahirapan din ang mga nagnenegosyo,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Pabillo.

Iginiit naman ni Father Noel Gatchalian – Chairman ng NCR branch ng Church People-Workers Solidarity na hindi sapat ang ipinatupad na 85 pesos na dagdag-sahod para sa mga minimum wage earners sa NCR.

Nilinaw ni Fr.Gatchalian na bagamat positibo ang wage increase ay malayo pa rin ito sa isinuslong na 1,200-pesos na living wage upang matugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga manggagawa at kanilang pamilya.

Binigyang-diin din ng pari na may kakayahan ang malalaking kumpanya na magbigay ng mas mataas na sahod dahil sa kanilang kinikita.

Sinabi ng Pari na hindi makatarungan ang wage adjustment kung hindi makasabay sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.

” Ibig sabihin, kumikita naman ang mga kumpanya, at malaki ang kinikita. Ngunit, hindi pantay at hindi makatarungan ang sahod. Maganda ito, at least itinaas, pero huwag naman nilang isangkalan na masisira ang micro industry. Ibig sabihin mo, maliliit na. Dapat, halimbawa, ‘yung PLDT, kaya nilang itaas kasi kumikita naman sila. Meralco, ganyan. ‘Yan ang mahalaga, na dapat naaayon sa ikabubuhay ng mga manggagawa. ‘Yan ang dapat nating sundin. Napakabagal ng pag-usad, samantalang ang pagtaas ng presyo, hindi na bumababa ang presyo ng mga bilihin. Kaya napakahalaga na dapat ‘yung ikabubuhay, ‘yan ang dapat maging sahod,” bahagi ng panayam ng Radyo Veritas kay Father.Gatchalian.
Magsisimula sa July 19, 2026 ang unang bahagi ng wage hike at sa January 2027 naman ang ikalawang bugso para umabot sa 780-pesos ang daily minimum wage para sa mga mangggagawang nasa private sector at hanggang 743-pesos naman sa agricultural sector

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 49,403 total reads

 49,403 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 86,650 total reads

 86,650 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 121,949 total reads

 121,949 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 348,219 total reads

 348,219 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 238,769 total reads

 238,769 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top