85-pesos na dagdag sa arawang minimum wage sa NCR, pinuri ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,209 total views

Kinilala ni Father Erik Adoviso – Minister ng Manila Archdiocesan Ministry for Labor Concern (MAMLC) ang kautusan ng Department of Labor and Employment na 85-pesos na umento sa daily minimum wage sa National Capital Region.

Bunsod ng desisyon ng DOLE, mula sa dating 695-pesos na arawang minimum wage, magiging 780-pesos ang minimum wage ng mga manggagawa sa Metro Manila kapag naipatupad na ang 85-pesos na dagdag sa arawang sahod.

Inihayag ni Fr. Adoviso na malaking tulong sa mga minimum wage earners na apektado ng krisis sa enerhiya, at pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo publiko ang 85-pesos na dagdag sahod.

Gayunman, iginiit ng pari na kulang pa rin ang napagdesisyunang umento sa sahod dahil sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga bilihin, pagkain, pamasahe, bayarin sa tubig at kuryente dahil s amabilis na pagtaas ng inflation rate sa una at ikalawang quarter ng taong 2026.

“Malaking tulong ‘yan sa mga minimum wage earner. Kaya sa kaso, siyempre, inutay-utay pa rin. Siguro, hindi ko alam kung bakit hinati-hati pa. Pero kung i-compare mo ‘yan sa mga bilihin natin ngayon, siyempre, kulang pa rin ‘yan. Kulang pa rin ‘yan sa mga pangkaraniwang manggagawa. Kaya siyempre, sana marating natin ‘yung minimum, ‘yung talagang family rates o just rates na tinatawag ng Catholic Social Teaching. ‘Yun ang gusto natin, Pero ito, siguro, malaking tulong na ‘yan para sa mga minimum wage earners.” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Father Adoviso.

Tinukoy ni Fr.Adoviso na mahalagang hakbang ang wage increase ngunit kinakailangan pa ring maabot ang daily family living wage na base sa IBON foundation ay umaabot ng 1,216-pesos para makapamuhay ng disente ang isang minimum wage earners na sinusuportahan ang 5-miyembro ng pamilya.

“Pero ito, siguro, malaking tulong na ‘yan para sa mga minimum wage earners. Pero again, kung ilulugar natin ‘yan sa mga bilihin ngayon ng bigas, ulam, hindi pa rin niya kakayanin, yung upa sa bahay, maliit na kuwarto na umaabot na sa four thousand pesos a month ang renta, at ilan lang ang nakatira doon? Tatlo, apat—hindi siya kasya. Kaya malaking hakbang, pero ayon sa turo ng Simbahan, sana marating natin ‘yung family just living wage,” ayon pa sa panayam ng Radyo Veritas kay Father Adoviso.

Ang 85-pesos na wage hike ng DOLE ay umaayon naman sa panlipunang katuruan ng Simbahan na nagsusulong ng dignidad ng paggawa at makatarungang pasahod.

Sa July 19, 2026 ipapatupad ang unang bahagi ng wage hike at sa January 2027 naman ang ikalawang bugso ng umento sa sahod hanggang sa maitakda sa 780-pesos ang minimum wage ng mga manggagawang nasa pribadong sektor habang 743-pesos naman sa agricultural sector.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 17,934 total views

 17,934 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 51,016 total views

 51,016 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 79,367 total views

 79,367 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 147,097 total views

 147,097 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 168,849 total views

 168,849 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top