Abalang dulot ng pagtitipon ng INC sa Edsa people power monument, inaayos ng MMDA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,737 total reads

Nagdulot ng matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko ang biglaang pagtitipon ng isang religious group sa Edsa People Power Monument, simula Martes ng madaling araw.

Kinumpirma naman ni MMDA General Manager Nicolas Torre III walang kaukulang permit ang pagtitipon na labis na nakaabala sa daloy ng trapiko.

Sa panayam ng programang Kalakbay ng Pamilya ng Radyo Veritas, sinabi ni Torre na dahil sa insidente ay agad na nagsagawa ng clearing operations ang MMDA upang maibalik sa normal ang daloy ng trapiko at matiyak ang kaligtasan ng mga motorista at commuter.

“Wala po. Wala itong permit,” ayon sa pahayag ni Torre.

Kaya’t panawagan ni Torre sa publiko, “Mas mabuti pong iwasan muna ang lugar habang ibinabalik pa namin ito sa dating kalagayan. Para na rin hindi na madagdagan ang abala sa mga motorista,” ayon kay Torre.

Pinapayuhan ang mga motorista na pansamantalang umiwas sa naturang ruta at dumaan muna sa mga alternatibong kalsada upang maiwasan ang matinding abala sa biyahe.

Patuloy namang binabantayan ng mga awtoridad ang sitwasyon habang inaasahang tuluyang maibabalik sa normal ang daloy ng trapiko sa lalong madaling panahon.

Samantala, kinansela ng Malacañang ang ilang nakalinyang public engagement ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa labas ng Palasyo ngayong araw.

Kasama sana sa mga aktibidad na dadaluhan ni Pangulong Marcos ang inagurasyon ng Marine clean-up vessel for the Enhancement of Marine Litter Management.

Hindi na rin dadalo ang pangulo sa Presidential Luncheon na inorganisa ng Foreign Correspondents Association of the Philippines o FOCAP.

Habang tuloy naman ang mga gawain ng Pangulo sa loob ng Palasyo, kabilang ang presentation ng credentials ng bagong US Ambassador to the Philippines na si Lee Lipton.

Ayon kay PCO Acting Secretary Dave Gomez, nakaantabay din ang Pangulo sa mga kaganapan kaugnay ng isinasagawang rally sa EDSA.

Una ng kinumpirma ng Iglesia ni Cristo na ang pagkilos ay bilang suporta kay Senator Rodante Marcoleta.

Una ng inihayag ni Ombudsman Crispin Remulla, na ang senador ay sasampahan ng kasong plunder, dahil sa pagtanggap ng P75 M na hindi idineklarang campaign donations sa kanyang kandidatura noong 2025.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 53,532 total reads

 53,532 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 87,050 total reads

 87,050 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 188,876 total reads

 188,876 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 229,433 total reads

 229,433 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 247,786 total reads

 247,786 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top