Ika-75 founding anniversary ng Diocese of Sorsogon, simula ng panibagong misyon ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,322 total reads

Hinimok ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang mga mananampalataya ng Diocese of Sorsogon na patuloy na magbuklod sa paglalakbay sa pananampalataya at isalin sa mga susunod na henerasyon.

Ito ang mensahe ng nuncio sa pagdiriwang ng diyosesis ng ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag.

Sa pagdiriwang ng Pontifical Mass sa Dakilang Kapistahan nina Apostol San Pedro at San Pablo at Diamond Jubilee ng diyosesis, binigyang-diin ng kinatawan ng Santo Papa sa Pilipinas na ang paggunita sa mahalagang yugto ng kasaysayan ng lokal na simbahan ay hindi lamang pag-alala sa nakaraan kundi simula rin ng panibagong misyon ng Simbahan sa pamamagitan ng synodal journey.

“We also celebrate this beginning of your synodal process. The theme of your synodal process is ‘Pilgrims of Hope: Journeying Toward the Year of Grace.’ On this historic occasion, we will also be convoking your Second Diocesan Synod, guided by those beautiful words of Jesus, ‘I am with you always,'” ayon kay Archbishop Brown.

Paliwanag ng nuncio na ang tema ng sinodo ay sumasalamin sa patuloy na paglalakbay ng buong Simbahan bilang sambayanan ng Diyos na sama-samang tumutugon sa tawag ng Panginoon.

Sinabi pa ni Archbishop Brown na ang tunay na kahulugan ng salitang “synod,” ay nagmula sa salitang Griyego na nangangahulugang “magkasamang naglalakbay sa iisang landas.”

Ayon kay Archbishop Brown, ang Simbahan ay isang sambayanang magkakasamang naglalakbay tungo sa paghahari ng Diyos, kung saan ang bawat binyagan ay may mga kaloob at tungkuling ginagampanan para sa kabutihan ng buong pamayanan.

“That’s what the Church is. The holy caravan of God: journeying together towards the Kingdom of God, with different groups and different gifts,” saad ni Archbishop Brown.

Binigyang-diin din ng nuncio ang pananagutan ng kasalukuyang salinlahi na pangalagaan at ipamana ang pananampalataya upang manatiling buhay ang misyon ng Simbahan hanggang sa mga susunod na henerasyon.

Dagdag pa rito, ang mahalagang tungkulin ng diyosesis habang patuloy itong naglalakbay patungo sa ika-100 anibersaryo nito sa susunod na 25 taon.

“If we do our job, we pass the faith on to the next generation. If we keep that procession going, there’s no gap behind us; but a continuous line of people walking towards the Kingdom of God.

That’s our responsibility on this 75th Anniversary, as we look forward 25 years to the 100th, the centenary anniversary of the Diocese of Sorsogon,” dagdag pa ni Archbishop Brown.

Inihayag ni Archbishop Brown ang pasasalamat sa Panginoon para sa 75 taong biyaya ng Diyosesis ng Sorsogon at panalangin para kay Pope Leo XIV at sa patuloy na paggabay ng Panginoon sa Simbahan.

Naitatag ang diyosesis noong June 29, 1951 mula sa Archdiocese of Caceres, kasabay ng pagkatatag ng Diocese of Legazpi, na layong mapalakas ang pagpapastol sa mga lugar sa Bicol Region.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 48,167 total reads

 48,167 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 85,536 total reads

 85,536 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 120,835 total reads

 120,835 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 347,105 total reads

 347,105 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 237,745 total reads

 237,745 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top