Kapayapaan na ba sa wakas?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 389,726 total reads

Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan ang digmaang yumanig hindi lang sa Middle East kundi sa buong mundo. 

Narito ang ilan sa mga kondisyong inilatag sa kasunduan.

Pumapayag ang Iran na bawasan ang deposito nito ng tinatawag na enriched uranium na ginagamit sa paglikha ng nuclear energy. Sinasabi lagi ng Amerika na banta ang nuclear program ng Iran dahil pwede itong magamit para sa paglikha ng nuclear weapons. Iginigiit din ng Amerika at ng kaalyado nitong Israel na ang mga aktibidad ng Iran sa nuclear enrichment at missile program nito ay banta sa kanilang seguridad at sa mas malawak na katatagan ng rehiyon.

Ang Estados Unidos naman ay inaasahang ititigil na ang military operations nito laban sa Iran habang isinasagawa ang dalawang buwang negosasyon kasabay ng unti-unting pagbubukás ng Strait of Hormuz. Pansamantala rin nitong aalisin ang mga economic sanctions sa Iran kaya makababalik na muli sa merkado ang langis at krudo nito; ibig sabihin, madadagdagan ang suplay. Kapag maipatupad na ng Iran ang probisyon tungkol sa nuclear program nito, maglalabas ang Amerika ng 300 bilyong dolyar na reconstruction fund at economic relief. Saklaw din ng ceasefire o pansamantalang tigil-putukan ang bansang Lebanon na target naman ng Israel. 

Hindi pa nakataga sa bato, ‘ika nga, ang kasunduan sa pagitan ng US at Iran. Sa loob ng dalawang buwan mula nang pirmahan ito, magkakaroon pa ng mga detalyadong negosasyon. Pero hindi pa man umuusad ang usapan, nagbanta na si US President Trump na handa siyang paulanan muli ng bomba ang Iran kung lalabag ito. Patuloy din ang pag-atake ng Israel sa Lebanon dahil hindi naman daw hinihiling ng Amerika na tumigil ito.

Bakit ba ganito ang mga lider ng malalaking bansa? Bakit ginagawa lang nilang laro ang paggambala at pagkuha sa buhay ng mga tao? Bakit hayók na hayók sila sa paggamit ng dahas?

Ilang linggo pagkatapos sumiklab ang karahasan sa Iran dahil sa paglusob ng Estados Unidos, binanggit ni Pope Leo XIV ang mga salitang ito: “Stability and peace are not built with mutual threats, nor with weapons, which sow destruction, pain, and death, but only through a reasonable, authentic, and responsible dialogue.” Ang katatagan at kapayapaan ng mundo ay hindi nabubuo gamit ang pananakot at mga armas. Tanging ang makatwiran, tapat, at responsableng diyalogo ang makagagawa nito. 

Pagkakataon na ang dalawang buwang tigil-putukan sa pagitan ng Amerika at Iran para sa matino at mahinahong pag-uusap ng kanilang mga lider. Huwag na sana itong mabalewala dahil sa mga salitang walang iniaambag sa negosasyon at mas nagpapaigting sa alitan ng mga sangkot na bansa. Sa huli, ang mga mamamayan ng dalawang bansa ang kawawa—ginagastos ng gobyerno ng Amerika ang buwis ng mga Amerikano sa walang kuwentang giyera at buhay ng mga taga-Iran ang nagiging kapalit. At dahil sa epekto ng kaguluhan sa kalakalan ng langis na nanggagaling sa Middle East, kahit ang malalayong bansa, gaya ng Pilipinas, ay ramdam ang krisis.

Mga Kapanalig, kritikal ang mga araw mula nang pirmahan ang kasunduan hanggang sa matapos ang 60 araw na negosasyon. Bagamat marami rin tayong kinakaharap na problema sa ating bansa, isama pa rin natin sa ating mga panalangin ang kapayapaan sa buong mundo. Pero magsilbing babala sana ang mga salitang ito mula sa 1 Tesalonica 5:3: “Kapag sinasabi ng mga tao, ‘Tiwasay at panatag ang lahat,’ biglang darating ang kapahamakan. Hindi sila makakaiwas sapagkat ang pagdating nito’y tulad ng pagsumpong ng sakit ng sinapupunan ng isang babaeng manganganak.” 

Sumainyo ang katotohanan.

Environmental advocates, kinilala ng PMPI

 18,201 total reads

 18,201 total reads Iginiit ng Philippine Misereor Partnership Incorporated o PMPI na bahagi ng makataong pagtugon sa mga krisis ang pangangalaga sa kalikasan, kasabay ng paggunita

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 48,399 total reads

 48,399 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 108,897 total reads

 108,897 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 128,568 total reads

 128,568 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 209,222 total reads

 209,222 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 308,773 total reads

 308,773 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ilawan ang katotohanan

 48,400 total reads

 48,400 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 108,898 total reads

 108,898 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 128,569 total reads

 128,569 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 209,223 total reads

 209,223 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »
Scroll to Top