Drug war critic Priest, nanawagan sa publiko na suportahan ang impeachment trial ni VP Sara

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,016 total reads

Nanawagan si Divine Word Missionary Fr. Flavie Villanueva sa publiko na suportahan ang nakatakdang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Lunes, na aniya’y mahalagang pagkakataon upang manaig ang katotohanan at katarungan.

Ayon sa pari, ang impeachment process ay dapat maging daan upang mailantad ang buong katotohanan para sa kapakanan ng sambayanan, at hindi para sa interes ng iilang panig.

“Mas mahalaga ang usaping impeachment na magaganap sa Lunes. Suportahan natin ito sapagkat ang impeachment na ito ang siyang magpapahayag ng katotohanan at yung katotohanan na sana hindi lang isa ang magwagi. Lahat tayo at katarungan, katotohanan ang magwagi,” ayon sa pahayag ni Fr. Villanueva sa panayam ng Radyo Veritas.

Kasabay nito, pinabulaanan ni Fr. Villanueva ang kumakalat na mga alegasyon na may iniwang maleta umano sa kanya sa isang lugar sa Mindanao Avenue.

Iginiit niyang wala siyang kaalaman sa naturang paratang at hindi pa niya napupuntahan ang lugar na tinutukoy.

Binigyang-diin din ng pari na hindi siya magpapadala sa mga maling impormasyon at sistematikong pagpapakalat ng fake news, at sa halip ay mananatiling nakatuon sa mga usaping may tunay na kabuluhan para sa bansa.

Dagdag pa ni Fr. Villanueva, “Anyway, we do not and I will always refuse to give oxygen to misinformation and to systematic attacks that leads to fake news.”

Umaasa si Fr. Villanueva na sa pagdinig ng impeachment case ay mananaig ang katotohanan, katarungan, at pananagutan.

Si Fr. Villanueva ay kilalang kritiko ng anti-drug war policy na ipinatupad ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagdulot ng libo-libong biktima ng extra-judicial killings.

Siya rin ang Founder at Executive Director ng Arnold Jannsen Kalinga Foundation, isang organisasyong tumutulong sa mga pamilyang naapektuhan ng kampanya kontra droga, kabilang ang mga naulilang pamilya ng mga napaslang.

Bahagi din ang pari sa nagsampa ng impeachment complaint laban kay Vice Presidente Sara Duterte noon 2025 at 2026, na inaasahang magsisimula ang paglilitis sa July 6.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 224,803 total reads

 224,803 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 256,534 total reads

 256,534 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 358,358 total reads

 358,358 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 398,920 total reads

 398,920 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 410,524 total reads

 410,524 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top