Kautusan ng NCIP na buwagin ang anti-mining barricade sa Brooke’s Point Palawan, kinundena

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,322 total reads

Kinondena ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ang naging kautusan ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) na buwagin ang anti-mining barricade ng mga katutubong pamayanan sa Barangay Ipilan, Brooke’s Point, Palawan.

Ayon kay ATM National Coordinator Jaybee Garganera, nilalabag ng naturang hakbang ang karapatan ng mga residente at mga katutubo sa mapayapang pagtitipon at malayang pagpapahayag, pati na ang karapatang ipagtanggol ang kanilang lupaing ninuno laban sa mapaminsalang pagmimina.

“It prevents the community from collectively protecting their ancestral domain and cultural heritage from destructive mining operations,” pahayag ni Garganera.

Iginiit din ni Garganera na sa halip na ipabuwag ang barikada, dapat sanang siniyasat ng NCIP ang mga hinaing ng mga katutubong pamayanang matagal nang naninirahan at nangangalaga sa kabundukan ng Barangay Ipilan, na nagsasabing hindi sila naisama sa mga naging proseso ng pagpapasya ng komisyon.

Samantala, nagpahayag din ng suporta ang ATM sa panawagan ni Brooke’s Point Vice Mayor Mary Jean Feliciano na imbestigahan ang naging desisyon ng NCIP at alamin kung nasunod ang mga itinakdang legal na proseso, makabuluhang konsultasyon, at mga probisyon ng Indigenous Peoples’ Rights Act (IPRA).

“The NCIP must be investigated and held accountable. Its mandate is to protect the IPs, not facilitate mining operations that endanger the lives, ancestral lands, and culture of indigenous groups,” giit ni Garganera.

Nauna nang sinabi ni Feliciano na itinatag ang NCIP upang pangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga Katutubong Pamayanan, at hindi upang isantabi ang tinig ng mismong mga komunidad na inaatasan nitong paglingkuran.

Binigyang-diin ng bise alkalde na mahalagang matiyak na ang lahat ng desisyong may kinalaman sa mga lupaing ninuno ay sumusunod sa due process at tunay na nagbibigay-halaga sa pakikilahok ng mga apektadong katutubo.

“When decisions affecting ancestral domains are perceived to disregard the voices of those who have long protected these lands, public trust in the institution is inevitably placed at risk,” ayon kay Feliciano.

Binibigyang-diin sa Laudato Si’ ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan at paggalang sa karapatan ng mga katutubong pamayanan bilang mga tagapangalaga ng kanilang mga lupaing ninuno.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 224,014 total reads

 224,014 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 255,745 total reads

 255,745 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 357,569 total reads

 357,569 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 398,131 total reads

 398,131 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 409,773 total reads

 409,773 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 142,962 total reads

 142,962 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top