People’s initiative campaign, pinalakas pa ng Dapat Isa Lang Movement

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,967 total views

Puspusan ang pagpapalakas ng Dapat Isa Lang Movement – Zamboanga City Chapter sa kampanya nito para sa people’s initiative na naglalayong maipasa ang isang tunay na Anti-Political Dynasty Law sa pamamagitan ng pagsasanay sa mga kabataang lider na mangunguna sa pangangalap ng mga lagda sa kanilang mga komunidad.

Dinaluhan ang pagsasanay ng mga youth leaders at peace advocates mula sa iba’t ibang housing communities na katuwang ng ZABIDA upang higit nilang maunawaan ang layunin ng Dapat Isa Lang Movement at ang kahalagahan ng pagpapatibay ng isang tunay na Anti-Political Dynasty Law.

Tinalakay rin sa pagsasanay ang bersyon ng panukalang batas na isinusulong sa pamamagitan ng people’s initiative, gayundin ang tamang proseso ng pangangalap ng mga lagda upang maging handa ang mga boluntaryo sa pagpapalawak ng kampanya sa kani-kanilang mga lugar.

“Throughout the session, participants were oriented on what the Dapat Isa Lang Movement stands for and why a genuine Anti-Political Dynasty Law matters for the future of our communities. The volunteers also learned about the People’s Initiative version of the bill, the very law that ordinary citizens themselves are bringing forward, and were walked through the signature collection process so they can carry it out with confidence and care.” Bahagi ng pahayag ng D1L Movement.

Ayon sa Dapat Isa Lang Movement, mahalagang papel ang gagampanan ng mga kabataan sa pagpapalawak ng adbokasiya dahil sila ang magsisilbing tagapagpaliwanag at mangunguna sa paghikayat sa mas marami pang mamamayan na lumagda sa petisyon.

Nagpasalamat naman ang kilusan sa ZABIDA at sa mga opisyal ng Campo Vida Agricultural Learning Center sa kanilang suporta at pagbubukas ng kanilang pasilidad para sa matagumpay na pagsasagawa ng pagsasanay.
“With every new volunteer trained, the reach of this movement grows. These youth leaders now return to their communities not only as participants but as advocates ready to guide others through the process of lending their signatures to this cause.” Dagdag pa ng D1L Movement.

Binigyang-diin ng Dapat Isa Lang Movement na ang pagtatapos ng pamamayani ng political dynasties ay maisusulong sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng mga mamamayan.
Isinagawa noong Hunyo 28, 2026 ang Training of Trainers (TOT) sa Campo Vida Agricultural Learning Center sa Barangay Malagutay, Zamboanga City, sa pangunguna ng Zamboanga-Basilan Integrated Development Alliance, Inc. (ZABIDA).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 193,885 total views

 193,885 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 224,108 total views

 224,108 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 250,753 total views

 250,753 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 345,726 total views

 345,726 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 354,185 total views

 354,185 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top