Drug war critic Priest, nanawagan sa publiko na suportahan ang impeachment trial ni VP Sara

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,840 total views

Nanawagan si Divine Word Missionary Fr. Flavie Villanueva sa publiko na suportahan ang nakatakdang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Lunes, na aniya’y mahalagang pagkakataon upang manaig ang katotohanan at katarungan.

Ayon sa pari, ang impeachment process ay dapat maging daan upang mailantad ang buong katotohanan para sa kapakanan ng sambayanan, at hindi para sa interes ng iilang panig.

“Mas mahalaga ang usaping impeachment na magaganap sa Lunes. Suportahan natin ito sapagkat ang impeachment na ito ang siyang magpapahayag ng katotohanan at yung katotohanan na sana hindi lang isa ang magwagi. Lahat tayo at katarungan, katotohanan ang magwagi,” ayon sa pahayag ni Fr. Villanueva sa panayam ng Radyo Veritas.

Kasabay nito, pinabulaanan ni Fr. Villanueva ang kumakalat na mga alegasyon na may iniwang maleta umano sa kanya sa isang lugar sa Mindanao Avenue.

Iginiit niyang wala siyang kaalaman sa naturang paratang at hindi pa niya napupuntahan ang lugar na tinutukoy.

Binigyang-diin din ng pari na hindi siya magpapadala sa mga maling impormasyon at sistematikong pagpapakalat ng fake news, at sa halip ay mananatiling nakatuon sa mga usaping may tunay na kabuluhan para sa bansa.

Dagdag pa ni Fr. Villanueva, “Anyway, we do not and I will always refuse to give oxygen to misinformation and to systematic attacks that leads to fake news.”

Umaasa si Fr. Villanueva na sa pagdinig ng impeachment case ay mananaig ang katotohanan, katarungan, at pananagutan.

Si Fr. Villanueva ay kilalang kritiko ng anti-drug war policy na ipinatupad ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagdulot ng libo-libong biktima ng extra-judicial killings.

Siya rin ang Founder at Executive Director ng Arnold Jannsen Kalinga Foundation, isang organisasyong tumutulong sa mga pamilyang naapektuhan ng kampanya kontra droga, kabilang ang mga naulilang pamilya ng mga napaslang.

Bahagi din ang pari sa nagsampa ng impeachment complaint laban kay Vice Presidente Sara Duterte noon 2025 at 2026, na inaasahang magsisimula ang paglilitis sa July 6.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaslighting

 8,348 total views

 8,348 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 76,077 total views

 76,077 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 99,229 total views

 99,229 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 169,343 total views

 169,343 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 243,463 total views

 243,463 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top