People’s initiative campaign, pinalakas pa ng Dapat Isa Lang Movement

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,066 total reads

Puspusan ang pagpapalakas ng Dapat Isa Lang Movement – Zamboanga City Chapter sa kampanya nito para sa people’s initiative na naglalayong maipasa ang isang tunay na Anti-Political Dynasty Law sa pamamagitan ng pagsasanay sa mga kabataang lider na mangunguna sa pangangalap ng mga lagda sa kanilang mga komunidad.

Dinaluhan ang pagsasanay ng mga youth leaders at peace advocates mula sa iba’t ibang housing communities na katuwang ng ZABIDA upang higit nilang maunawaan ang layunin ng Dapat Isa Lang Movement at ang kahalagahan ng pagpapatibay ng isang tunay na Anti-Political Dynasty Law.

Tinalakay rin sa pagsasanay ang bersyon ng panukalang batas na isinusulong sa pamamagitan ng people’s initiative, gayundin ang tamang proseso ng pangangalap ng mga lagda upang maging handa ang mga boluntaryo sa pagpapalawak ng kampanya sa kani-kanilang mga lugar.

“Throughout the session, participants were oriented on what the Dapat Isa Lang Movement stands for and why a genuine Anti-Political Dynasty Law matters for the future of our communities. The volunteers also learned about the People’s Initiative version of the bill, the very law that ordinary citizens themselves are bringing forward, and were walked through the signature collection process so they can carry it out with confidence and care.” Bahagi ng pahayag ng D1L Movement.

Ayon sa Dapat Isa Lang Movement, mahalagang papel ang gagampanan ng mga kabataan sa pagpapalawak ng adbokasiya dahil sila ang magsisilbing tagapagpaliwanag at mangunguna sa paghikayat sa mas marami pang mamamayan na lumagda sa petisyon.

Nagpasalamat naman ang kilusan sa ZABIDA at sa mga opisyal ng Campo Vida Agricultural Learning Center sa kanilang suporta at pagbubukas ng kanilang pasilidad para sa matagumpay na pagsasagawa ng pagsasanay.
“With every new volunteer trained, the reach of this movement grows. These youth leaders now return to their communities not only as participants but as advocates ready to guide others through the process of lending their signatures to this cause.” Dagdag pa ng D1L Movement.

Binigyang-diin ng Dapat Isa Lang Movement na ang pagtatapos ng pamamayani ng political dynasties ay maisusulong sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng mga mamamayan.
Isinagawa noong Hunyo 28, 2026 ang Training of Trainers (TOT) sa Campo Vida Agricultural Learning Center sa Barangay Malagutay, Zamboanga City, sa pangunguna ng Zamboanga-Basilan Integrated Development Alliance, Inc. (ZABIDA).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 223,998 total reads

 223,998 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 255,729 total reads

 255,729 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 357,553 total reads

 357,553 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 398,115 total reads

 398,115 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 409,760 total reads

 409,760 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top