Diamond Jubilee celebration ng Diocese of Legazpi, hanggang December 31, 2026

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,978 total reads

Magpapatuloy hanggang Disyembre 31, 2026 ang celebratory phase ng Diamond Jubilee ng Diyosesis ng Legazpi bilang pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng diyosesis.

Sa inilabas na paanyaya, hinikayat ng Diyosesis ng Legazpi ang mga mananampalataya na makibahagi sa mga natitirang gawain bilang pasasalamat sa 75 taon ng tapat na pagmamahal ng Diyos, kasabay ng pagpapatuloy ng misyon ng lokal na Simbahan na “Biniyayaan, Inaantabayan, at Sinusugo.”

Kabilang sa mga pangunahing aktibidad ang Diocesan Synodal Mission sa Hulyo 18, 2026; ang pagdiriwang ng Fiesta Salvacion sa Agosto 15, 2026, kasabay ng paggunita sa 250 taon ng debosyon kay Nuestra Señora de Salvacion; ika-50 anibersaryo ng pagkahirang sa Mahal na Birhen bilang Patrona ng Diocese of Legazpi; at ika-50 anibersaryo ng pagkakadeklara sa Joroan Church bilang dambana.

Sa Agosto 22, 2026 naman gugunitain ang ika-50 anibersaryo ng Canonical Coronation ng Nuestra Señora de Salvacion, habang ipagdiriwang sa Setyembre 3, 2026 ang Kapistahan ni San Gregorio Magno, na patron ng diyosesis.

Kasama rin sa mga tampok na gawain ang paggunita sa anibersaryo ng Canonical Erection ng Diyosesis ng Legazpi sa Oktubre 20, 2026 na susundan ng Grand Procession ng mga patron ng lahat ng parokya sa diyosesis.

Sa Oktubre 28, 2026 naman ay pangungunahan ni Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro-Prefect ng Dicastery for Evangelization ang banal na misa bilang paggunita sa Canonical Erection ng Diocese of Legazpi.

Magtatapos ang pagdiriwang sa Disyembre 31, 2026 sa pamamagitan ng Closing Mass at pagsasara ng Jubilee Door.

Ipinaalala rin ng Diyosesis ng Legazpi na maaaring magkamit ng Jubilee Plenary Indulgence ang mga mananampalataya sa pamamagitan ng debotong pagdalaw sa Saint Gregory the Great Cathedral habang isinasagawa ang Jubilee celebration, pakikibahagi sa mga itinakdang gawain o taimtim na pananalangin, pagdarasal ng Ama Namin, Pagpapahayag ng Pananampalataya, at panalangin para sa mga intensiyon ng Santo Papa.

Kailangan ding tuparin ng mga mananampalataya ang karaniwang kundisyon para sa plenary indulgence tulad ng pagtanggap ng Sakramento ng Kumpisal at Banal na Komunyon, pananalangin para sa Santo Papa, at ganap na pagtalikod sa anumang kasalanan.

Here’s the Jubilee celebration schedule:
𝗝𝘂𝗹𝘆 𝟭𝟴
𝗗𝗶𝗼𝗰𝗲𝘀𝗮𝗻 𝗦𝘆𝗻𝗼𝗱𝗮𝗹 𝗠𝗶𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻

𝗔𝘂𝗴𝘂𝘀𝘁 𝟭𝟱
𝗙𝗶𝗲𝘀𝘁𝗮 𝗦𝗮𝗹𝘃𝗮𝗰𝗶𝗼𝗻
𝟮𝟱𝟬 𝗬𝗲𝗮𝗿𝘀 𝗼𝗳 𝗗𝗲𝘃𝗼𝘁𝗶𝗼𝗻 𝘁𝗼 𝗡𝘂𝗲𝘀𝘁𝗿𝗮 𝗦𝗲ñ𝗼𝗿𝗮 𝗱𝗲 𝗦𝗮𝗹𝘃𝗮𝗰𝗶𝗼𝗻
𝟱𝟬𝘁𝗵 𝗔𝗻𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗮𝗿𝘆 𝗼𝗳 𝗢𝘂𝗿 𝗟𝗮𝗱𝘆 𝗮𝘀 𝗣𝗮𝘁𝗿𝗼𝗻𝗲𝘀𝘀 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗗𝗶𝗼𝗰𝗲𝘀𝗲
𝟱𝟬𝘁𝗵 𝗔𝗻𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗮𝗿𝘆 𝗼𝗳 𝗝𝗼𝗿𝗼𝗮𝗻 𝗖𝗵𝘂𝗿𝗰𝗵 𝗮𝘀 𝗮 𝗦𝗵𝗿𝗶𝗻𝗲

𝗔𝘂𝗴𝘂𝘀𝘁 𝟮𝟮
𝟱𝟬𝘁𝗵 𝗔𝗻𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗮𝗿𝘆 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗖𝗮𝗻𝗼𝗻𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗖𝗼𝗿𝗼𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝗡𝘂𝗲𝘀𝘁𝗿𝗮 𝗦𝗲ñ𝗼𝗿𝗮 𝗱𝗲 𝗦𝗮𝗹𝘃𝗮𝗰𝗶𝗼𝗻

𝗦𝗲𝗽𝘁𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟯
𝗙𝗲𝗮𝘀𝘁 𝗼𝗳 𝗦𝗮𝗶𝗻𝘁 𝗚𝗿𝗲𝗴𝗼𝗿𝘆 𝘁𝗵𝗲 𝗚𝗿𝗲𝗮𝘁

𝗢𝗰𝘁𝗼𝗯𝗲𝗿 𝟮𝟬
𝗔𝗻𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗮𝗿𝘆 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗖𝗮𝗻𝗼𝗻𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗘𝗿𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗗𝗶𝗼𝗰𝗲𝘀𝗲 𝗼𝗳 𝗟𝗲𝗴𝗮𝘇𝗽𝗶
𝗚𝗿𝗮𝗻𝗱 𝗣𝗿𝗼𝗰𝗲𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝗔𝗹𝗹 𝗣𝗮𝗿𝗶𝘀𝗵 𝗣𝗮𝘁𝗿𝗼𝗻𝘀

𝗢𝗰𝘁𝗼𝗯𝗲𝗿 𝟮𝟴
𝗠𝗮𝘀𝘀 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗲𝗺𝗼𝗿𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗵𝗲 𝗖𝗮𝗻𝗼𝗻𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗘𝗿𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗗𝗶𝗼𝗰𝗲𝘀𝗲
𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗱 𝗼𝘃𝗲𝗿 𝗯𝘆 𝗛𝗶𝘀 𝗘𝗺𝗶𝗻𝗲𝗻𝗰𝗲 𝗟𝘂𝗶𝘀 𝗔𝗻𝘁𝗼𝗻𝗶𝗼 𝗖𝗮𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗹 𝗧𝗮𝗴𝗹𝗲

𝗗𝗲𝗰𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟯𝟭
𝗠𝗮𝘀𝘀 𝗳𝗼𝗿 𝘁𝗵𝗲 𝗖𝗹𝗼𝘀𝗶𝗻𝗴 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗝𝘂𝗯𝗶𝗹𝗲𝗲
𝗖𝗹𝗼𝘀𝗶𝗻𝗴 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗝𝘂𝗯𝗶𝗹𝗲𝗲 𝗗𝗼𝗼𝗿

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 224,003 total reads

 224,003 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 255,734 total reads

 255,734 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 357,558 total reads

 357,558 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 398,120 total reads

 398,120 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 409,765 total reads

 409,765 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top