Pagkilala ng WB sa Pilipinas na upper-middle income country, dapat magresulta ng climate resilience

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,013 total reads

Binigyang-diin ng Climate Change Commission (CCC) na dapat samahan ng mas matatag na pagkilos para sa climate resilience at sustainable development ang pagkilala ng World Bank sa Pilipinas bilang isang upper-middle income country.

Ayon kay CCC Vice Chairperson at Executive Director Robert E.A. Borje, sumasalamin ang bagong katayuan ng bansa sa matatag na ekonomiya at patuloy na pag-unlad, kasabay ng kahalagahan ng pagpapatuloy ng mga repormang magtitiyak ng pangmatagalang pag-unlad na nakikinabang ang lahat.

Binigyang-diin din ni Borje na magkaugnay ang pag-unlad ng ekonomiya at katatagan laban sa epekto ng climate change, kaya’t kinakailangang sabay na palakasin ang dalawang ito.

“Economic progress and climate resilience are mutually reinforcing. Sustaining one increasingly depends on strengthening the other,” pahayag ni Borje.

Ayon sa CCC, nagbubukas din ang bagong economic classification ng mas maraming pagkakataon upang mapalawak ang pamumuhunan sa climate resilience at maisulong ang makatarungang paglipat sa low-carbon economy.

Inaasahan din nitong mapalalakas ang pagsusulong ng sustainable development alinsunod sa Philippine Development Plan at sa mga pandaigdigang pangako ng bansa sa usapin ng klima.

Tiniyak din ng komisyon ang patuloy na pakikipagtulungan sa iba’t ibang sektor upang maisulong ang pagkilos para sa klima at mapalakas ang katatagan ng bansa.

“This Office remains committed to working with government agencies, local government units, the private sector, development partners, the academe and scientific community, civil society organizations, and stakeholders to ensure that climate action strengthens resilience, supports sustainable economic growth, and advances the country’s long-term development,” dagdag ni Borje.

Isinusulong naman ng simbahan, sa pamamagitan ng Laudato Si’, na ang tunay na kaunlaran ay nakabatay sa pangangalaga sa kalikasan, pagsusulong ng katarungang panlipunan, at pananagutan sa susunod na henerasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 224,000 total reads

 224,000 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 255,731 total reads

 255,731 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 357,555 total reads

 357,555 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 398,117 total reads

 398,117 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 409,762 total reads

 409,762 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 142,961 total reads

 142,961 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top