Taongbayan, hinimok na isabuhay ang mga pagninilay sa Penitential Walk for Life.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 575 total reads

Pinasasalamatan ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity ang Radio Veritas, Sangguniang Layko, Archdiocese of Manila,Green groups at mga mananampalataya sa matagumpay na “Penitential Walk For Life” noong Biyernes Santo.

Pinuri ni Bishop Pabillo ang magagandang intensyon na nakapaloob sa bawat istasyon ng krus na nagtataguyod sa iba’t-ibang aspeto ng buhay.

Inihayag ni Bishop Pabillo na sinasalamin ng bawat intensyon ang pagiging tao ng Panginoon upang mabigyan ng maayos na buhay ang mananampalataya.

“Maraming salamat sa Veritas, at maraming salamat sa Layko at sa Archdiocese sa pag-organize ng Penitential Walk for Life, naging matagumpay, madaming dumalo at higit sa lahat maganda yung mga pagninilay tungkol sa mga usapin tungkol sa buhay. Yan ang dapat panindigan nating lahat kasi ang usapin sa buhay yan po ay may kinalaman sa ating pananampalataya sapagkat si Hesus nga ay naging tao upang bigyan tayo ng buhay, kaaya-ayang buhay,” bahagi ng pahayag ng Obispo sa Radyo Veritas.

Samantala, nakiisa din ang makakalikasang grupo sa Penitential Walk For Life bilang bahagi ng pagtataguyod nito sa buhay ng Kalikasan.

Ayon kay Rev. Fr. John Leydon – Convenor ng Global Catholic Climate Movement, mahalagang pakinggan ng taumbayan ang tinig ng kalikasan na humihingi ng tulong dahil sa unti-unting pagkasira nito.

Sa pamamagitan nito ay maririnig din ang tinig ng Panginoon na unang nag-atas sa tao ng tungkuling pamahalaan at linangin ang kanyang nilikha.

“Talagang nasa krisis na tayo at very dangerous kung ano man ang magaganap at mabuti na pagnilay-nilayan natin na si Hesus ay simbolo na pinapako natin sa Krus yung mga mahihirap at pati rin ang kalikasan,” pahayag ni Fr. Leydon sa Radyo Veritas.

Kabilang sa mga usaping ipinanalangin sa bawat istasyon ng Krus ang pagpapatigil sa Parusang Kamatayan, Human Trafficking, pag-rehabilitate sa mga Drug user / pushers, pagsupil sa Abortion, at pangangalaga sa kalikasan.
Umaabot sa 5,000 mga mananampalataya ang nakilahok sa Penitential Walk for Life, kung saan hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na sa muling pagkabuhay ng Panginoon ay isabuhay rin ang kanyang pagsasakripisyo para sa kasagraduhan ng buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 21,526 total reads

 21,526 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 60,352 total reads

 60,352 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 95,652 total reads

 95,652 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 321,921 total reads

 321,921 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 213,925 total reads

 213,925 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 35,780 total reads

 35,780 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 28,672 total reads

 28,672 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top