155 total views
Tungkulin ng Commission on Elections (COMELEC) na pangunahan ang mga ahensya ng pamahalaan sa paghahanda upang matiyak na magiging malinis ang nakatakdang halalang pambarangay sa October 2017.
Hinamon ng National Citizens Movement for Free Election o NAMFREL ang COMELEC na kumilos na sa halip na suportahan ang mga panukalang suspendihin na naman ang Barangay at SK election dahil sa usapin ng Narco-Politics sa mga opisyal ng barangay.
Sinabi ni NAMFREL Secretary General Eric Alvia na napapanahon ng ayusin ng COMELEC ang pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency, Department of Interior and Local Government at Philippine National Police na nangunguna sa kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga upang maalis sa listahan ang mga kandidato na kuwestiyunable ang gawain.
“COMELEC should partner with PDEA with even the DILG, PNP and the community to bet and rid out candidates who are questionable, doon palang malalaman mo na agad”.hamon ni Alvia sa COMELEC
Naunang iginiit ng Center for People Empowerment in Governance (CenPEG) na dapat idaan ng pamahalaan sa tamang proseso ng paglilitis at paghuhukom ang sinasabing 40-porsiyento o 1,684 na mga kapitan ng barangay na sangkot sa illegal drug trade mula sa 42,036 na mga barangay sa buong bansa.
Umaasa naman ang Simbahang Katolika na mapapanindigan ng COMELEC ang mandato sa Republic Act No. 7-1-6-6, na nagtatakda sa Commission on Election para matiyak ang pagkakaroon ng malinis, tapat at payapang eleksyon sa bansa na malayo sa kaguluhan at karahasan.