Mananampalataya, hinimok ni Bishop Evangelista na pahalagahan ang kultura, tradisyon at pamanang pangsimbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,616 total reads

Hinimok ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista ang mga mananampalataya na higit pang palalimin ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa kultura, tradisyon, at pamanang pangsimbahan na ipinagkatiwala sa Simbahan.

Ito ang mensahe ng obispo bilang suporta sa PAMANAMPALATAYA: Formation Program on Religious Cultural Heritage ng Ministry on the Cultural Heritage of the Church ng Diocese of Imus.

Ayon kay Bishop Evangelista, hangad ng Diyosesis ng Imus na hubugin ang sambayanan ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalatayang nakaugat hindi lamang sa mga pagpapahalaga ng Ebanghelyo kundi maging sa kultura at buhay na tradisyon ng Simbahan.

“As the Diocese of Imus constantly strives to form the People of God, she seeks to deepen the grace of faith that is rooted not only on the values of the Gospel, but also in culture and living tradition,” pahayag ni Bishop Evangelista.

Aniya, sa pamamagitan ng formation program ay inaanyayahan ang mga mananampalataya na muling tuklasin ang kagandahan ng kultura, tradisyon, at pamanang pangsimbahan bilang mga daan ng pakikipagtagpo kay Kristo.

“May this formation module lead us to a deeper love for the Church and renew in us a steadfast commitment to cherish and safeguard the patrimony entrusted to our care,” ayon kay Bishop Evangelista.

Hiniling din ni Bishop Evangelista ang paggabay ng Mahal na Birheng Maria, Birhen del Pilar, upang manatiling tapat na mga katiwala ng pananampalataya at pamanang pangsimbahan ang mga mananampalataya para sa kapakinabangan ng mga susunod na salinlahi.

Ang nasabing formation program ay isang serye ng paghuhubog na naglalayong palalimin ang pananampalataya sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga banal na pook, sining, kasaysayan, at mga tradisyong panrelihiyon.

Nakatakdang magsimula ang programa sa July 11, 2026, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali sa Centro Agustino ng Diocesan Shrine of San Agustin and Parish of the Sta. Cruz sa Tanza, Cavite.

Bukas ang programa sa mga pari, relihiyoso, layko, mga lingkod ng Simbahan, at iba pang may malasakit sa pangangalaga ng pananampalataya at pamanang pangkalinangan ng Diyosesis ng Imus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 231,653 total reads

 231,653 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 263,384 total reads

 263,384 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 365,208 total reads

 365,208 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 405,771 total reads

 405,771 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 416,886 total reads

 416,886 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 143,376 total reads

 143,376 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top