Walang silbi ang pagbabawal sa death penalty kung nagpapatuloy ang kultura ng karahasan at pamamaslang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,077 total reads

Binigyang-diin ni Divine Word Missionary priest at 2025 Ramon Magsaysay Awardee Rev. Fr. Flaviano Antonio “Flavie” Villanueva, SVD na hindi sapat ang kawalan ng batas na nagpapahintulot sa capital punishment sa bansa kung nagpapatuloy naman ang kultura ng karahasan sa lipunan.

Sa programang Barangay Simbayanan sa Radyo Veritas ay ibinahagi ni Fr. Villanueva na bagama’t walang umiiral na batas sa Pilipinas na nagpapataw ng death penalty ay nasaksihan pa rin ng publiko ang pag-usbong ng kultura ng pamamaslang noong panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Pari na siya ring Founder at President ng Arnold Janssen Kalinga Foundation at Program Paghilom, magpahanggang sa ngayon ay nararanasan pa rin sa lipunan ang epekto ng kultura ng pagpaslang na nagsimula sa ilalim ng administrasyong Duterte.

“Wala man sa ating batas ang capital punishment pero nakita naman natin kung paano nagsimula sa panahon ni [dating Pangulong Rodrigo] Duterte ang pagpapapatay as a Mayor, as a President and the culture is lingering and is very much affecting us as we speak.”

Bahagi ng pahayag ni Fr. Villanueva Radyo Veritas.

Iginiit ni Fr. Villanueva na higit sa pagkakaroon o kawalan ng batas ay mas mahalaga ang pagkakaroon ng mga pinunong may integridad at handang ipatupad ang mga alituntuning nakabatay sa dignidad ng tao at sa mga pagpapahalaga na itinuturo sa Ebanghelyo.

“Hindi kailangan na may batas, dapat mayroong matinong mga tao na handang magpatupad at hadlangan ang anumang batas na komukontra sa Ebanghelyo, otherwise tuloy lang at magpapatuloy lang kung anong laway at anong nais ng lideratong baluktot.” Dagdag pa ni Fr. Villanueva.

Binigyang-diin din ng Pari na kinakailangang manaig ang pamumunong nakabatay sa katotohanan, katarungan, at paggalang sa buhay upang hindi na maipagpatuloy ang anumang uri ng karahasang sumasalungat sa mga turo ng Simbahan.

Pagbabahagi ni Fr. Villanueva, napapanahon ang prayer intention ng Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV ngayong buwan ng Hulyo upang muling bigyang diin ng punong pastol ng Simbahan ang paggalang at pagngangalaga sa buhay at dignidad ng tao sa lahat ng yugto nito.

Matatandaang inilaan ni Pope Leo XIV ang kanyang prayer intention ngayong buwan ng Hulyo para sa pagtataguyod sa dignidad ng bawat tao, lalo na sa gitna ng iba’t ibang banta sa buhay at paglabag sa karapatang pantao sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 14,750 total reads

 14,750 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

Sacred music, mahalaga sa liturgy

 17,078 total reads

 17,078 total reads Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng sacred music sa liturhiya, partikular sa Banal na Misa, bilang tulong upang higit na

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 3,716 total reads

 3,716 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 85,465 total reads

 85,465 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 179,690 total reads

 179,690 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 240,179 total reads

 240,179 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 253,897 total reads

 253,897 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 14,752 total reads

 14,752 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

Sacred music, mahalaga sa liturgy

 17,080 total reads

 17,080 total reads Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng sacred music sa liturhiya, partikular sa Banal na Misa, bilang tulong upang higit na

Read More »
Scroll to Top