COVID-19 virus, hindi nawala sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,245 total reads

Nilinaw ng Infectious Disease Specialist na si Dr. Rey Salinel Jr. na hindi tamang sabihing ‘nagbalik’ ang COVID-19 sa gitna ng naitalang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng sakit sa Quezon City, sapagkat hindi naman tuluyang nawala ang COVID-19 sa Pilipinas at sa iba pang bahagi ng mundo.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, ipinaliwanag ni Dr. Salinel na bumaba lamang ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 dahil sa mas malawak na proteksiyong dulot ng pagbabakuna at iba pang hakbang para sa pampublikong kalusugan.

“Hindi po nagbalik, hindi naman po talaga nawala po yung COVID o SARS-CoV-2 dito sa Pilipinas o sa buong mundo. Pwede pong gamiting word na humupa lamang po yung mga kaso dahil sa mga proteksyon na meron na po tayo, sa kadahilanan na nagkaroon na tayo ng mga bakuna nitong 2021.” Bahagi ng pahayag ni Dr. Salinel sa Radyo Veritas.

Ayon sa espesyalista, malaking bahagi ng pagbaba ng mga kaso ang malawakang pagbabakuna na isinagawa noong 2021, na nakatulong upang mabawasan ang malulubhang kaso ng sakit.

Ipinaalala rin ni Dr. Salinel na bagama’t idineklara ng World Health Organization (WHO) na kontrolado na ang pandaigdigang pagkalat ng COVID-19, hindi ito nangangahulugan na tuluyan nang nawala ang virus.

“Nagkataon lang po talaga na nag-declare ang WHO na somehow ay na-control na po natin yung paglaganap po ng COVID pero hindi po ito nawala, nandito pa rin po ito sa mundo. Dagdag pa ni Dr. Salinel.

Dahil dito, hinikayat ni Dr. Salinel ang publiko na manatiling maingat at ipagpatuloy ang mga kinakailangang hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang komunidad laban sa COVID-19 at iba pang nakahahawang sakit.

Batay sa datos ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Division (CESD), tumaas sa 84 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 mula ika-11 ng Hunyo, 2026 hanggang unang araw ng Hulyo, 2026 mula sa 23 kaso na naitala noong ika-21 ng Mayo, 2026 hanggang ika-10 ng Hunyo, 2026 kaya umabot na sa 146 ang kabuuang kaso sa lungsod ng Quezon City ngayong 2026.

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 14,723 total reads

 14,723 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

Sacred music, mahalaga sa liturgy

 17,051 total reads

 17,051 total reads Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng sacred music sa liturhiya, partikular sa Banal na Misa, bilang tulong upang higit na

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 3,682 total reads

 3,682 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 85,434 total reads

 85,434 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 179,659 total reads

 179,659 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 240,148 total reads

 240,148 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 253,867 total reads

 253,867 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 14,724 total reads

 14,724 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

Sacred music, mahalaga sa liturgy

 17,052 total reads

 17,052 total reads Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng sacred music sa liturhiya, partikular sa Banal na Misa, bilang tulong upang higit na

Read More »
Scroll to Top