Mananampalataya, inaanyayahan sa kapistahan ni San Benito de Nursia

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,785 total reads

Inaanyayahan ng pamunuan ng St. Benedict Parish Quezon City ang mga mananampalataya na makibahagi sa Solemn Pontifical Mass bilang tampok na pagdiriwang ng Kapistahan ni San Benito de Nursia sa Hulyo 11, 2026.

Sa programang Barangay Simbayanan, inihayag ni Rev. Fr. Reynaldo Tano, MGL – Parish Priest ng St. Benedict Parish sa Quezon City ang mga nakahanay na gawain para sa nakatakdang kapistahan.

Ayon sa Pari, isasagawa ang Solemn Pontifical Mass ganap na alas-10 ng umaga na pangungunahan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa, D.D.
Pagbabahagi ni Fr. Tano, ang pagdiriwang ay pagkakataon upang magpasalamat sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin at sama-samang pagpupugay kay San Benito de Nursia, ang patron ng pamayanan.

Inihayag rin ng Pari ang pagiging isang mabuting halimbawa ni San Benito sa pagiging ‘hospitable’ na bukas sa pagtanggap sa bawat isa ng walang pinipili o isinasantabing sinuman.

“To become hospitable po siguro yun po ang itinuturo ni Saint Benedict sa akin na as a priest you must be welcoming hindi lamang sa mga taong gusto mo kundi kahit yung mga taong hindi mo gusto kasi they are also image and likeness of God.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Tano sa Radyo Veritas.

Inaasahan ding magsisilbing pagkakataon ang kapistahan upang higit na mapalalim ang pananampalataya ng mga mananampalataya at mapatatag ang kanilang pagtugon sa misyon bilang mga tagasunod ni Kristo.

Ayon kay Fr. Tano, dalangin ng parokya na ang pagdiriwang ay maging daan sa higit na pagkakaisa ng sambayanan at magsilbing paalala ng patuloy na paggabay at pamamagitan ni San Benito de Nursia sa lahat ng deboto at mananampalataya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 233,164 total reads

 233,164 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 264,895 total reads

 264,895 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 366,719 total reads

 366,719 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 407,282 total reads

 407,282 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 418,317 total reads

 418,317 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top