Pagkakamali at kahinaan, hindi hadlang sa pagtanggap ng Diyos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 49,966 total reads

Ibinahagi ni Ms. Joy Cancio kung paano ang kanyang pagkalugmok dahil sa pagkakalulong sa pagsusugal, kabilang ang pagharap sa isang matinding personal na krisis, ang naging daan tungo sa pagbabalik-loob at mas malalim na pagkilala sa Diyos sa ikaapat na bahagi ng Heart-to-Heart Talk ni Cardinal Luis Antonio Tagle sa 12th Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XII).

Ayon kay Cancio, na dating dancer, talent manager at producer, nakamit niya ang marami niyang pangarap sa buhay kabilang ang pagkakaroon ng matagumpay na karera, negosyo at mga ari-arian, ngunit dumating ang panahon na unti-unting nawala ang mga ito dahil sa kanyang pagkahumaling sa pagsusugal.

“I have everything. I have the name, I have the money, I have my house, I have cars, I have a good business, I have a show. Pero lahat ‘yon tinanggal niya kasi ayaw ko tumigil sa sugal,” ayon kay Cancio.

Ikinuwento ng dating showbiz personality na nagsimula lamang sa paglalaro ng slot machine ang kanyang bisyo hanggang sa humantong ito sa malaking pagkalugi at pagkakautang, dahilan upang harapin niya ang pinakamabigat na pagsubok sa kanyang buhay.

Sa tindi ng kanyang pagkalugmok, sinabi ni Cancio na dumating siya sa puntong nawalan siya ng pag-asa at tinangkang wakasan ang kanyang buhay.

Ngunit sa gitna ng takot at paghihirap, muling nanumbalik ang kanyang pananalig sa Diyos at humingi ng tawad, gabay at bagong direksiyon sa kanyang buhay.

“Sabi ko, Lord, forgive me for what I have done. This time, I will follow. I will listen. Just show me the right path,” pagbabahagi ni Cancio.

Ayon kay Cancio, ang karanasang iyon ang naging simula ng kanyang mas malalim na pagbabalik sa Diyos matapos niyang maranasan ang pagtanggap at pagmamahal ng mga taong tumulong sa kanya na muling bumangon.

Higit niyang naramdaman ang presensya ng Diyos at naunawaan na ang tunay na kayamanan ay hindi lamang nasusukat sa tagumpay kundi sa relasyon sa Panginoon at sa pamilya.

“Dati, lumalapit ako sa Panginoon kapag may hiling ako. Nakakalimutan ko magpasalamat. Pero ngayon, kung ako po ay nagsasayaw noon para kumita, ngayon nagsasayaw na ako para sa Panginoon,” pahayag niya.

Pinuri naman ni Cardinal Tagle ang katapatan ni Cancio sa pagbabahagi ng kanyang karanasan at binigyang-diin na sa kabila ng pagkakamali ng tao ay nananatiling kaibigan ang Diyos na handang tumanggap at magbigay ng bagong simula.

“Minsan, iiwanan ka ng ibang tao. Hanggang sa makita natin may isang kaibigan na magiging tapat at maaasahan na kayang tanggapin pati yung ating pagkakamali. Kaya tayong tanggapin ni Jesus, pero minsan tayo hindi natin kayang tanggapin ang sarili natin,” pahayag ni Cardinal Tagle.

Sa pagtatapos ng kanyang pagbabahagi, hinikayat ni Cancio ang mga kabataan na umiwas sa pagsusugal at palalimin ang pagkilala sa Salita ng Diyos bilang sandata laban sa tukso at mga pagsubok sa buhay.

“When I accept Jesus in my life, I should know the Word of God. ‘Yun po ‘yung panglaban ko para makatayo ako sa mga tukso,” dagdag ni Cancio.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 8,870 total reads

 8,870 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 63,537 total reads

 63,537 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 148,902 total reads

 148,902 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 195,639 total reads

 195,639 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 243,511 total reads

 243,511 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 344,341 total reads

 344,341 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 170,196 total reads

 170,196 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top