632-indibidwal mula sa San Isidro Labrador at Holy Family parish, inilikas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 40,144 total reads

Umabot sa 196 pamilya o 632 indibidwal mula sa dalawang parokya ng Diocese of Novaliches ang naapektuhan ng pinalakas na Habagat, kabilang ang mga isinailalim sa pre-emptive evacuation dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig sa mga ilog, sapa at creek sa ilang bahagi ng Quezon City.

Batay sa situation report ng Caritas Novaliches nitong Agosto 9, 2026 kabilang sa mga parokyang may mga pamilyang inilikas ang San Isidro Labrador Parish sa Bagong Silangan at Holy Family Parish sa Gulod.

Kabilang sa mga lugar na mino-monitor ng diyosesis ang mga komunidad na nakapaligid sa La Mesa Dam, Marikina River at Tullahan River, gayundin ang mga streams at creeks sa North Quezon City.
Samantala, ayon sa ulat ni Miles Lilio, Acting Parish Social Action Coordinator, sa diocesan monitoring team noong gabi ng Agosto 8, 2026, isang maliit na bahay na gawa sa magagaan na materyales ang gumuho sa Barangay Bagong Silangan dahil sa tuluy-tuloy na pag-ulan, wala namang naiulat na nasawi o nasugatan kaugnay ng insidente.

Ayon sa ulat, umabot sa 79.72 metro ang water level ng La Mesa Dam bandang alas-8 ng umaga nitong Agosto 9, 2026 na itinuturing na critical level kung saan nasa 80.15 metro naman ang spilling level ng dam.

Gayunman, nananatili sa normal level ang Tullahan River sa bahagi ng North Fairview.

Samantala patuloy namang mino-monitor ng Diocesan Parish Response and Monitoring (DPRM) Team ng Diyoseis ng Novaliches ang kalagayan ng mga parokya at komunidad na posibleng maapektuhan ng Habagat.

Naka-alerto rin ang mga Parish Social Action Ministry (PSAM) Coordinators at inatasang agad mag-ulat ng anumang makabuluhang pangyayari sa kani-kanilang lugar.

Inihahanda naman ng Caritas Novaliches ang susunod na situation report upang patuloy na maipabatid sa mga parokya at sa publiko ang kalagayan ng mga komunidad.

Sa gitna ng banta ng pagbaha at iba pang epekto ng matinding pag-ulan, patuloy na hinihikayat ang mga parokya at mananampalataya na maging mapagmatyag, makiisa sa mga hakbang sa kaligtasan at higit na alalahanin ang mga pamilyang higit na nanganganib.

Sa ganitong panahon, ipinapaalala ng Simbahan na ang pagtugon sa sakuna ay hindi lamang tungkol sa relief at evacuation kundi sa pagiging kasama ng mga higit na nangangailangan, maagap na pagtugon at pagtutulungan ng mga parokya ay konkretong pagpapakita ng pagkakaisa at malasakit sa kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 104,931 total reads

 104,931 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 138,262 total reads

 138,262 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 170,406 total reads

 170,406 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 236,465 total reads

 236,465 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 248,989 total reads

 248,989 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Nagmamahal, Judith

 104,932 total reads

 104,932 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 138,263 total reads

 138,263 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 170,407 total reads

 170,407 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 236,466 total reads

 236,466 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »
Scroll to Top