Pagtaas ng youth unemployment rate, pinangangambahan ng ILO

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,417 total reads

Pinapangambahan ng International Labor Organization o ILO ang pagtaas ng youth unemployment rate sa buong mundo.

Ayon sa ILO, ito ay dahil sa pagbagal ng pandaigdigang pag-unlad ng ekonomiya sa mga nakalipas na buwan at taon. Batay sa Global Employment Trends for Youth 2026 ng ILO, umakyat sa 12.4 percent noong 2025 ang global youth unemployment rate na katumbas ng 67-million na bilang ng kabataang edad 15 hanggang 24 na walang trabaho.

Bahagya ring tumaas sa 20% ang mga kabataan na binansagan sa moder terms na ‘ Not in Education, Employment, or Training’ o mga NEET, katumbas ang bilang ng hanggang sa 257-million na kabataan sa buong mundo.

“A generation that cannot find decent work cannot build its future with confidence. When young people are locked out of quality employment, countries lose talent, productivity and social cohesion. Creating decent jobs for young people is not just a social imperative, it is one of the smartest investments a country can make,” ayon sa mensahe ni ILO Director-general Gilbert Houngbo na pinadala ng ILO Philippines sa Radyo Veritas.

Ayon sa ILO, kabilang sa mga dahilan ang mabagal na paglikha ng trabaho, geopolitical tensions at mabilis na pagbabago sa teknolohiya, kabilang ang artificial intelligence kaya apektado rin ang mga traditional entry-level jobs gaya ng clerical, administrative, sales at ilang manufacturing occupations.

Samantala, sa mga bansang maituturing na ‘developing economies’, nananatiling hamon ang paglikha ng sapat na disenteng trabaho dahil ayon pa sa mga datos ng ILO, siyam sa bawat sampung kabataang manggagawa sa low at lower-middle-income countries ay nasa informal employment, kaya limitado ang access sa stable income at social protection.

Nanawagan ang ILO ng mas malaking pamumuhunan sa kalidad na edukasyon, pagtuturo ng mga impormasyon na magagamit habambuhay, apprenticeships, social protection at skills development, upang matulungan ang kabataan na makasabay sa mabilis nagbabagong labor market at magkaroon ng mas maayos at disenteng trabaho.

“There is increasing noise around AI,” said Sukti Dasgupta, ILO Director of the Employment, Skills and Sustainable Enterprises Department. “While the direct impact on jobs is still unclear, we must not be complacent and underestimate the risks. We need to step up our investment in skills, lifelong learning and social protection so that young people can adapt to change and seize new opportunities. Technological progress, including AI, must work for young people, not against them” bahagi pa ng mensahe ni Houngbo

Kaugnay nito, nakasaad sa Ensiklikal na Laborem Excercens ni Saint John Paul II ang kahalagahan ng pagbubukas ng oportunidad ng disenteng trabaho dahil ang trabaho ay hindi lamang paraan para kumita, kundi may kaugnayan sa dignidad ng tao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 15,475 total reads

 15,475 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 100,880 total reads

 100,880 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 164,723 total reads

 164,723 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 253,033 total reads

 253,033 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 335,345 total reads

 335,345 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top