Parokya at komunidad, inatasan ng CBCP na ipagdiwang ang creation day

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,507 total reads

Inatasan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga parokya at komunidad na ipagdiwang ang Creation Day tuwing unang linggo ng Setyembre.

Sa pastoral letter nina Nueva Segovia, Archbishop David William Antonio, chairman ng CBCP Episcopal Commission on Liturgy, at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, bishop in charge ng Integral Ecology ng ECSA-JP, iginiit nito na ang pagkasira ng kalikasan at lumalalang climate crisis ay hindi lamang usaping pangkapaligiran kundi usapin din ng buhay at kamatayan lalo na para sa mga pinakamahinang sektor ng lipunan.

Lubhang nababahala ang mga obispo sa patuloy na pagkasira ng kalikasan at pandaigdigang krisis sa klima na lalong nagpapahirap sa mga Pilipino tulad ng mga epekto ng malalakas na bagyo na nagdudulot ng malawakang pagbaha.

“We are greatly alarmed about both the destruction of our local ecosystems and the global climate emergency that keeps ravaging our islands through ever-intensifying typhoons. How is it possible that the appeals of Laudato Si’ and Laudate Deum continue to be ignored? The liturgical celebration of Creation Day is a precious opportunity and space for repentance, lamentation, thanksgiving, and renewed “ecological conversion”, to be carried forth also throughout the extended Season of Creation,” anila.

Batay sa atas ng CBCP, hinimok ang lahat ng parokya at ecclesial communities sa bansa na ipagdiwang ang Creation Day alinsunod sa mga nakasaad sa General Instruction of the Roman Missal.

Ngayong 2026, ito ay gaganapin sa September 6, kung saan gagamitin ang bagong Missa pro custodia creationis, o Misa para sa pangangalaga ng sangnilikha, sa halip na ang karaniwang Sunday Mass formulary at mga pagbasa sa Ordinary Time.

Paliwanag ng mga obispo na hindi lamang usaping pangkalikasan ang Creation Day, kundi mahalagang pagpapahayag ng pananampalatayang Kristiyano, gaya ng pahayag ni San Pablo.

“In Christ were created all things in heaven and on earth… all things were created through him and for him.”

Itinuturing din ang pagdiriwang na ‘Feast of Creation in Christ’ na naglalayong muling ipakita ang mahalagang papel ni Kristo sa paglikha at sa buong sangnilikha.

Iginiit ng CBCP na ang pagdiriwang ay makatutulong upang muling matuklasan ng mga Kristiyano ang “centrality of Creation in our Christian faith and everyday life.”

Hinikayat din ng mga obispo ang mga parokya na isabuhay ang diwa ng Laudato Si’ hindi lamang sa isang araw kundi sa buong Season of Creation.
Umaasa ang mga pastol na maging mabunga ang pagdiriwang sa bawat parokya sa buong bansa sa pamamagitan ng pagpupuri sa Diyos bilang Manlilikha at pagsasabuhay ng mapanuring pananaw sa Laudato Si’.

Taunang ipinagdiriwang ng simbahan ang Season of Creation mula September 1 hanggang October 4 sa kapistahan ni San Francisco ng Assisi subalit pinalawig ito ng bansa sa ikalawang linggo ng Oktubre sa paggunita naman ng Indigenous Peoples’ Sunday (IP Sunday

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 32,788 total reads

 32,788 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 69,577 total reads

 69,577 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 103,704 total reads

 103,704 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 155,658 total reads

 155,658 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 217,309 total reads

 217,309 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top