Mananampalataya, inaanyayahan sa Marian Conference 2026

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,153 total reads

Inaanyayahan ng Marians of the Immaculate Conception ang mga mananampalataya sa isasagawang Marian Conference: “Lead All Souls to Heaven” ngayong August 15, 2026, sa Most Holy Rosary Chapel sa SM North EDSA, Quezon City.

Ayon sa grupo, ang layunin ng pagtitipon ay higit pang palalimin ang debosyon sa Mahal na Birheng Maria at maakay ang mga mananampalataya tungo kay Hesus.

Isasagawa ang kumperensya mula ala-una hanggang alas-singko ng hapon, na susundan ng pagdarasal ng Santo Rosaryo sa alas-5:30 ng hapon at anticipated Mass sa alas-6:00 ng gabi

Ito rin ay bahagi ng pagdiriwang sa Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit kay Mahal na Birheng Maria, na ginugunita tuwing August 15.

Tampok sa pagtitipon ang mga pagtalakay hinggil sa bokasyon, pagpapagaling, Marian consecration, pamilya, at pamamagitan ng Mahal na Birhen sa buhay ng mga mananampalataya.

Pangunahing tagapagsalita si Fr. James Cervantes, MIC, direktor ng Association of Marian Helpers, na magbibigay ng mensahe hinggil sa Mahal na Birhen bilang dakilang tagapamagitan at kung paano niya inaakay ang mga mananampalataya patungo sa langit.

Kabilang din sa mga tagapagsalita si Fr. Lloyd Pagulayan, na magbabahagi kung paano ipinakita ni Maria ang daan tungo sa kanyang bokasyon; si Valerie Escalona, tungkol sa Marian consecration at redemptive suffering; at Dr. Jeff Lipana, tungkol sa kanyang near-death experience at mga testimonya ng espirituwal at pisikal na pagpapagaling sa pamamagitan ni Maria; at Dr. Meggie Samson, na tatalakay sa mga himala at kasaysayan ng Our Lady of Guadalupe.

Tatalakayin naman ni Dr. Patricia Sison ang papel ng Our Lady of Guadalupe sa pamilya at ang dahilan ng kanyang pagdalaw sa Pilipinas.

Binigyang-diin sa programa ang layuning tulungan ang mga kalahok na higit na maunawaan ang papel ng Mahal na Birhen bilang ina, tagapamagitan at gabay sa paglalakbay ng mga mananampalataya tungo sa Diyos.

Magsisimula ang registration sa alas-10:30 ng umaga, kung saan may P200 na registration fee, subalit bukas din ito sa mga walk-in participants.

Ang Marian Conference ay bukas sa mga deboto, pamilya, kabataan, at sinumang nais makiisa sa isang araw ng pagninilay, panalangin, at pag-aaral tungkol sa debosyon kay Maria.

Para sa pagpaparehistro, maaaring gamitin ang Google Registration Form sa tinyurl.com/marianconferenceph2026 o magbayad sa pamamagitan ng GCash 09985461973 (JA…S C.) at isumite ang proof of payment sa organizers sa pamamagitan ng Viber sa numerong 09052939290.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 21,330 total reads

 21,330 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 128,463 total reads

 128,463 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 165,250 total reads

 165,250 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 195,824 total reads

 195,824 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 243,351 total reads

 243,351 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top