Paigtingin ang pagbabahagi ng pananampalataya, apela ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,803 total reads

Hinimok ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula ang pamayanan ng Minor Basilica and Parish of San Sebastian na gawing pagkakataon ang ika-50 anibersaryo nito bilang parokya upang panibaguhin ang katapatan sa Diyos at paigtingin ang pagbabahagi ng pananampalataya sa mga susunod na henerasyon.

Sa kanyang homiliya sa closing celebration ng ika-50 anibersaryo ng San Sebastian Basilica, kasabay ng Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit ng Mahal na Birheng Maria nitong August 15, binigyang-diin ni Cardinal Advincula na ang pagdiriwang ay higit pa sa paggunita sa nakaraan kundi sa patuloy na paglago sa hinaharap.

“Every anniversary is more than a remembrance of the past; it is an invitation to renew our fidelity and to move forward in hope,” ayon kay Cardinal Advincula.
Bukod sa anibersaryo ng pagkatatag bilang parokya ay ginugunita rin ng dambana ang ika-135 anibersaryo ng pagpasinaya ng tinaguriang ‘all-steel’ church at ang ika-35 anibersaryo ng pontifical coronation sa imahe ng Nuestra Señora del Carmen de San Sebastian, ang Ina at Reyna ng Quiapo.

Ayon sa kardinal, mahalagang kilalanin ang pananampalataya at sakripisyo ng mga naunang henerasyon na naglingkod, nag-ingat at nagpatatag sa pamayanang Kristiyano sa San Sebastian.

Gayunman, hinamon ng kardinal ang kasalukuyang henerasyon na pag-isipan ang mga hakbang na gagawin upang maipamana ang pananampalataya sa susunod na henerasyon.
“What kind of Church are we preparing to hand on to the next generations that will come after us? What faith, what values, what devotion, and what witness will they receive from us?” ani ng kardinal.

Binigyang-diin din ni Cardinal Advincula na ang San Sebastian Basilica ay hindi lamang isang makasaysayang gusali na yari sa bakal at bato, kundi isang buhay na saksi ng pananampalataya.
“The Basilica’s long history reminds us that churches are not merely beautiful structures made of steel and stone; they are living witnesses to a faith that has been handed down, celebrated, tested, renewed, and entrusted to a new generation,” giit ni Cardinal Advincula.

Ipinakita ng kardinal na ang paglalakbay ng San Sebastian bilang pamayanang Kristiyano ay kaugnay ng mensahe ng Pag-aakyat sa Langit kay Maria na isang paalala na ang tunay na sukatan ng pananampalataya ay hindi lamang ang haba ng paglalakbay kundi ang katapatan sa araw-araw na pagsasabuhay ng “oo” sa Diyos.
“Mary teaches us that fidelity to God is not measured simply by the length of our journey, but by the faithfulness with which we say ‘yes’ to God each day,” aniya.

Hinimok din niya ang mga mananampalataya na tularan ang Mahal na Birhen sa buong-pusong pag-aalay ng sarili, pagpapakumbaba at paninindigan para sa katarungan ng Diyos.

Kabilang sa mga itinampok sa mga mahalagang yugto ng dambana ang pagsariwa sa pagputong ng korona sa Mahal na Ina at ang pagbabasbas sa mga tanda ng pagiging basilica, ang Tintinnabulum at Umbraculum.

Kasunod ng banal na misa ay isinagawa naman ang maringal na prusisyon sa mga pangunahing lansangan sa paligid ng basilica.

Itinatag ng mga Augustinian Recollect ang dambana noong 1621. Pinasinayaan ang all-steel church noong 1891, isang taon matapos itong itaas ni Pope Leo XIII bilang basilica.

Taong 1975 nang ganap itong naging parokya; noong 1982, idineklarang National Historical Landmark dahil sa natatangi nitong kasaysayan, arkitektura, at kahalagahan sa kulturang Pilipino; at noong 1991 naman, kinoronahan ang kinikilalang Ina at Reyna ng Quiapo.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 43,240 total reads

 43,240 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 40,451 total reads

 40,451 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 74,938 total reads

 74,938 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 176,762 total reads

 176,762 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 217,320 total reads

 217,320 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 236,261 total reads

 236,261 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top