Itakwil ang anumang uri ng diskriminasyon, panawagan ni Pope Leo XIV sa simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,639 total reads

Nanawagan si Pope Leo XIV sa Simbahan na maging bukas sa lahat at itakwil ang anumang uri ng diskriminasyon at mga hadlang na yumuyurak sa dignidad ng tao, kasabay ng panawagan para sa kapayapaan sa gitna ng nagpapatuloy na karahasan.

Sa kanyang Angelus sa Castel Gandolfo nitong Linggo, August 16, binigyang-diin ng Santo Papa ang aral mula sa Ebanghelyo tungkol sa babaeng Cananea na patuloy na lumapit kay Hesus upang humingi ng kagalingan para sa kanyang anak.

Ayon kay Pope Leo XIV, ipinakita ng babae ang kababaang-loob at determinasyon sa kabila ng mga hadlang na kanyang kinaharap.
“From the Canaanite woman, we learn humility and determination. Thanks to her faith, we learn that God’s table is set for everyone and that no one is left merely with crumbs, because each person has his or her own place with the Father,” ayon kay Pope Leo XIV.

Binigyang-diin ng Santo Papa na ipinakikita ng pananampalataya ng babaeng Cananea na ang hapag ng Diyos ay walang itinatangi at bukas para sa lahat.
Sinabi ng Santo Papa na hindi dapat tanggapin ng mga Kristiyano ang umiiral na kulturang hindi gumagalang sa dignidad ng tao.

“In the light of this faith, inequalities, discrimination, and barriers that trample on the dignity of too many of God’s sons and daughters become unbearable,” dagdag ng Santo Papa.
Iniugnay din ng punong pastol ang salaysay tungkol sa Cananea sa misyon ng Simbahan na makinig sa mga hindi inaasahang paraan ng pagkilos ng Diyos.

Ipinaliwanag ni Pope Leo na patuloy na kumikilos ang Diyos sa kanyang paraan upang maipalaganap ang tunay na kapayapaan sa pamayanan.

“Even today, the Church can be surprised by God’s work and spread the peace of Christ beyond boundaries already drawn,” aniya.

Ayon sa Santo Papa, nauuna na ang biyaya ng Diyos sa misyon ng Simbahan at kumikilos ito sa bawat isa at hinimok ang mananampalataya na manatiling bukas sa pakikinig sa tawag ng Diyos sa paglilingkod.

“In every encounter — even those that disrupt our plans — we are to listen attentively by opening our eyes and hearts to what God wants to tell us,” saad pa ni Pope Leo.

Sa kanyang mensahe matapos ang Angelus, muling nanawagan si Pope Leo XIV para sa agarang pagtigil ng karahasan laban sa mga sibilyang Palestinian sa West Bank.

“I renew my appeal for an end to the ongoing violence against the Palestinian civilian population in the West Bank,” panawagan ni Pope Leo.

Kasabay nito, hinimok niya ang international community na kumilos upang isulong ang two-state solution bilang daan tungo sa makatarungan at pangmatagalang kapayapaan.

“I urgently call on the international community to work toward advancing the two-state solution, for a just and lasting peace,” aniya.

Binigyang-diin din ng Santo Papa ang mahalagang misyon ng Simbahan sa gitna ng mundong patuloy na naghahanap ng kapayapaan.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 45,053 total reads

 45,053 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 43,081 total reads

 43,081 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 77,386 total reads

 77,386 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 179,211 total reads

 179,211 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 219,768 total reads

 219,768 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 238,598 total reads

 238,598 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top