CEAP, nagpaabot ng pakikiramay sa malagim na shooting incident sa Ateneo de Zamboanga University

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 48,356 total reads

Nagpaabot ng pakikiisa at pakikiramay ang Catholic Education of the Philippines sa malagim na pamamaril ng isang estudyante sa Ateneo de Zamboanga University.

Ipinahayag ng CEAP ang pakikiramay sa mga apektadong estudyante, pamilya ng mga biktima, mga guro at buong komunidad ng paaralan na dumaranas ngayon ng pagluluksa at pagkabigla sa pangyayari.

“CEAP expresses its deepest sorrow over the tragic shooting incident at Ateneo de Zamboanga University”, pahayag ng CEAP sa pamamagitan ng Radyo Veritas

Kasabay nito, nanawagan ang Catholic Educational Association of the Philippines o CEAP sa publiko na pairalin ang pag-iingat at malasakit kasunod ng malagim na pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University.

Hinimok ng CEAP ang publiko na iwasan ang pagpapakalat ng haka-haka, fake news at maging mapanuri sa pagbabahagi ng komento at sentimiyento hinggil sa trahedya.

Hiniling din Institutsyon huwag nang ipakalat ang mga larawan o detalye na maaaring higit pang makapagdulot ng sakit sa mga biktima at kanilang pamilya.

At this painful moment, we ask everyone to respond with sensitivity, compassion, and restraint, remembering that behind every report, photograph, or social media post are students, families, teachers, and a community experiencing profound grief and shock. We urge the public to refrain from speculation, unverified information, sensationalized commentary, and the unnecessary sharing of images or details that may further wound those affected,” ayon sa mensahe ng CEAP na pinadala sa Radyo Veritas

Binigyang-diin ng CEAP na dapat pangalagaan ang dignidad at pribadong buhay ng mga biktima habang binibigyan ng sapat na panahon ang mga awtoridad at pamunuan ng paaralan na alamin ang buong katotohanan at tumugon sa insidente.

Umaasa ang CEAP na magsisilbing panawagan ang trahedya para higit pang mapakas ang pangangalaga sa kaligtasan, kapakanan at seguridad sa mga paaralan, kung saan pananagutan ng buong komunidad ang pagprotekta sa bawat bata at miyembro ng paaralan at pagtataguyod ng kapayapaan.

“Let our words and actions protect the dignity and privacy of the victims and their families, while allowing authorities and the school community the space to establish the facts and respond appropriately. May this tragedy awaken in all of us a deeper commitment to making every school a place of safety, care, vigilance, and peace, where the protection of every child and every member of the school community remains a shared moral responsibility,” bahagi pa ng mensahe ng CEAP.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng Philippine National Police sa pamamaril kasabay ng apela ng kahinahunan at maayos na pakikiisa sa mga Pilipino at mga biktima o iba pang may kaugnayan sa trahedya.

Sa inisyal na ulat, 2 ang nasawi at Siyam ang nasugatan sa shooting incident sa ADZU.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 46,826 total reads

 46,826 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 45,619 total reads

 45,619 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 79,797 total reads

 79,797 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 181,622 total reads

 181,622 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 222,179 total reads

 222,179 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 240,898 total reads

 240,898 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top