Kailangan na ang batas na naglilimita sa pagmamay-ari at pagdadala ng baril-Gunless Society Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,269 total reads

Nanawagan ang Gunless Society Philippines ng pagkakaisa ng iba’t ibang sektor ng lipunan, kabilang ang Simbahan, upang maisulong ang batas na maglilimita sa pagmamay-ari at pagdadala ng baril at makapagbibigay ng mas ligtas na kapaligiran para sa mga Pilipino.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni Gunless Society Philippines President Norman Cabrera na kinakailangan ang mas malakas at tuloy-tuloy na pagkilos upang tugunan ang mga insidente ng karahasang may kaugnayan sa baril, kabilang ang mga naganap na insidente ng karahasan sa loob ng mga paaralan.

“Napakalaki ng laban na ito. At kinakailangan dito ang mas malakas na boses, at consistent and progressive effort by all sectors of society, including the Church, to work for meaningful legislation for the betterment of lives of all Filipinos.” Bahagi ng pahayag ni Cabrera sa Radyo Veritas.

Ayon kay Cabrera, hindi dapat ituring na hiwa-hiwalay na insidente ang mga karahasang may kinalaman sa baril, sa halip ay dapat itong tingnan bilang bahagi ng mas malawak na usapin ng gun violence sa bansa.

“Pwede nating tingnan na itong pangyayaring ito ay isang unique event. But on the other hand, it is also not an isolated case. Kung tayo man ay magmumuni-muni o magre-reflect pagkatapos nitong nangyari sa Ateneo de Zamboanga, kailangan po nating tingnan ang ganitong pangyayari sa isang pangkalahatang paraan.” Dagdag pa ni Cabrera.

Pagbabahagi ni Cabrera, layunin ng Gunless Society Philippines ang pagkakaroon ng mapayapa at ligtas na kapaligiran sa pamamagitan ng paglilimita sa pagmamay-ari ng baril at paglilimita sa pagdadala nito sa labas ng tahanan o sa mga pampublikong lugar.

Giit ni Cabrera, kinakailangan ang batas upang maisakatuparan ang mga hakbang na ito at mapigilan ang pag-ulit ng mga insidente ng karahasan.

“Dapat itong mga ganitong pangyayari, dapat matuldukan natin ‘yan. Ilimita ang pag-aari ng baril, at ilimita rin ang pagdadala ng baril sa labas ng bahay o sa pampublikong lugar. At ang bagay na ito ay nangangailangan ng legislation.” Ayon pa kay Cabrera.

Samantala, tiniyak naman ni Cabrera patuloy na pagsusulong ng kanilang adbokasiya sa Kongreso, ngunit nanawagan ito ng malawak na suporta ng publiko upang magkaroon ng makabuluhang pagbabago sa polisiya hinggil sa baril.

Sa pananaw ng Simbahan, ang pagkakaisa para sa mga batas na nagtatanggol sa buhay, dignidad at kaligtasan ng tao ay bahagi ng pagsusulong ng kabutihang panlahat kung saan kinakailangan ang pagtutulungan ng pamahalaan, Simbahan, civil society at mga mamamayan upang makalikha ng mga konkretong hakbang na tunay na magpoprotekta sa buhay, lalo na ng mga bata at kabataan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 223,750 total reads

 223,750 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 255,481 total reads

 255,481 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 357,305 total reads

 357,305 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 397,867 total reads

 397,867 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 409,522 total reads

 409,522 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top