Pagbuo ng kultura ng presensiya at malasakit, panawagan ni Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,109 total reads

Nanawagan si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa pagbuo ng kultura ng presensya at malasakit sa tahanan, paaralan, komunidad at Simbahan.

Ito ang mensahe ng obispo, bilang tugon sa magkakasunod na insidente ng karahasan sa mga paaralan, kung saan kabilang sa itinuturong dahilan ang impluwensya ng social media at online games.

Paliwanag ni Bishop Santos, hindi lamang dapat itanong kung nakapagdudulot ba ng karahasan ang online games, kundi mas mahalagang suriin kung anong uri ng tahanan at kapaligiran ang nabubuo para sa mga bata.

“I understand that many Filipino parents are working long hours. Some are working far from home, and some parents are themselves struggling to understand the rapidly changing digital world. But even when we cannot monitor everything our children do online, we can still build a relationship in which they feel safe enough to tell us what they are experiencing. Presence is more powerful than surveillance.”

Binigyang-diin niya na kailangan ng isang bata hindi lamang ng limitasyon sa paggamit ng gadget kundi ng pamilya, gabay, malinaw na hangganan, mabuting halimbawa, komunidad at pananampalataya.

“A child needs a family. A child needs guidance. A child needs boundaries. A child needs good examples. A child needs community. A child needs God,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Hinikayat din ni Bishop Santos na huwag ituring na kaaway ang teknolohiya. Sa halip, dapat itong gamitin nang may wastong paggabay at hindi hayaang kontrolin nito ang buhay ng kabataan.

“And this is where we, as parents, educators, communities, and the Church, must work together. Let us not demonize technology. Let us humanize its use. Let us not fear our young people. Let us accompany them. Let us not simply take away their screens. Let us give them something greater to look toward: a life of meaning, friendship, service, faith, and hope,” ayon sa obispo.

Nanawagan ang obispo na bigyang-pansin ang mga senyales tulad ng matinding pagbabago sa asal, bullying, pagbabanta at paglayo sa pamilya o ibang tao.

Ayon sa obispo, may pananagutan ang lahat sa pangangalaga sa mga bata. At dapat aniyang maging ligtas na lugar ang tahanan, paaralan, parokya at maging ang digital spaces para sa kabataan.

Paalala ni Bishop Santos, dapat magsilbing kasangkapan ang teknolohiya at hindi maging panginoon ng buhay ng mga bata.

“And may we always remember: technology should be a tool in the hands of our children, not a master of their lives,” ayon pa kay Bishop Santos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 224,264 total reads

 224,264 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 255,995 total reads

 255,995 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 357,819 total reads

 357,819 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 398,381 total reads

 398,381 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 410,012 total reads

 410,012 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top