PNP, pinaigting ang kampanya laban sa pagnanakaw ng kuryente

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 47,663 total reads

Pinaiigting ng Philippine National Police ang kampanya laban sa pagnanakaw ng kuryente at hinikayat ang publiko na agad ireport sa mga awtoridad ang mga insidente ng illegal tapping at jumper upang maiwasan ang mas malalang aksidente at pagkalugi sa mga lehitimong konsyumer.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, inihayag ni Manila Police District Spokesperson, PMAJ. Philipp Ines na maaring maharap sa kaso ang mga mahuhuli sa pagnanakaw ng kuryente sa ilalim ng Republic Act No. 7832 o Anti-Pilferage of Electricity and Theft of Electric Transmission Lines/Materials Act.

Binigyang-diin ni Ines na bukod sa pagtaas ng singil sa kuryente, maaari ring mauwi sa sunog at iba pang aksidente ang illegal connections.

“Hindi lamang po ’yung pagbabayad natin—na mga lehitimong nagbabayad at kumokonsumo ng kuryente—kung hindi, nagdudulot po kasi ito ng mga aksidente katulad po ng sunog.” Bahagi ng pahayag ni Ines sa Radyo Veritas.
Ayon sa spokesperson ng MPD, mabigat ang parusa sa pagnanakaw ng kuryente, lalo na kung sangkot ang isang empleyado ng power service provider.

Pagbabahagi ni Ines, maaaring umabot sa 12 taon at isang araw hanggang 20 taon ang pagkakakulong depende sa kasong isinampa at mga umiiral na probisyon ng batas.

Hinimok naman ni Ines ang publiko na huwag balewalain ang mga nakikitang paglabag at gamitin ang 911 upang maiulat ang mga kahina-hinalang illegal electrical connections.

“Hindi po dapat natin kinikibit-balikat ’pag nakikita po natin na may mga lumalabag sa batas. Itawag niyo po sa ating awtoridad. Gamitin niyo po ’yung numerong 911.” Dagdag pa ni Ines.

Binigyang-diin din ng opisyal na ang pagkunsinti sa ganitong gawain ay maaaring maging dahilan upang isipin ng iba na normal lamang ang pagnanakaw ng kuryente.

“’Pag hindi po natin pinapansin, akala nu’ng iba ay nagiging tama na lang at normal na lang. Hindi po siya normal. Unang-una, ang apektado po nito, tayo mismo po na nagbabayad ng kuryente.” Ayon pa ni Ines.

Paliwanag ni Ines, mahalaga ang pakikiisa ng publiko upang maprotektahan ang mga pamilyang regular na nagbabayad ng kanilang konsumo at maiwasan ang panganib na dulot ng illegal connections.

“Tandaan po natin, marami po tayo ang pumapasan nito. Bigyan naman po natin ng hustisya ‘yung mga lehitimong nagbabayad nang tama sa kuryente.” Panawagan ni Ines.

Giit ni Ines, ang pagnanakaw ng kuryente ay hindi lamang usapin ng paglabag sa batas kundi isang panganib sa buong komunidad, lalo na sa mga lugar na siksikan ang mga kabahayan at negosyo.

Sa pananaw ng Simbahan, ang pagiging tapat sa paggamit at pagbabayad ng mga serbisyo ay bahagi rin ng pananagutan at malasakit sa kapwa, sapagkat ang pagnanakaw ng isang serbisyo ay maaaring magdulot ng panganib at dagdag na pasanin sa buong komunidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THE LOST LESSONS

 97,844 total reads

 97,844 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 148,208 total reads

 148,208 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 276,925 total reads

 276,925 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 362,310 total reads

 362,310 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 420,848 total reads

 420,848 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top