Tugunan ang kakulangan ng guidance at mental health counselors sa mga paaralan, hamon ng ACT sa gobyerno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 47,310 total reads

Nanawagan ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa pamahalaan na tugunan ang matagal nang kakulangan ng guidance counselors at mental health personnel sa mga paaralan upang mas maayos na matugunan ang mga pangangailangan ng mga estudyante, kabilang ang mga usapin sa mental health at bullying.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, inihayag ni ACT National Chairperson Ruby Bernardo na dekada na ang problema sa kakulangan ng guidance counselors sa bansa.

Paliwanag ni Bernardo dahil sa sitwasyon ito ay madalas na ang mga guro na rin ang gumaganap sa mga tungkulin ng guidance counselors kahit wala silang sapat na kasanayan o lisensya para dito.

“Decade-long problem na natin ‘to sa eskwela, yung kawalan talaga ng ating mga mental health personnel, guidance counselors. Sa matagal na panahon, ang gumaganap ng gawain ng pagiging guidance counselor ay yung ating mga teachers, kahit na hindi po kami gano’n ka-trained at hindi po talaga lisensyado.” Bahagi ng pahayag ni Bernardo sa Radyo Veritas.

Bagama’t nadagdagan na umano ng 10,000 guidance associates o school counselor associates ang mga paaralan, nananatili pa rin ang malaking kakulangan, kung saan tinatayang nasa isa sa bawat 14,000 estudyante ang ratio ng guidance counselor sa mga mag-aaral.

Pagbabahagi ni Bernardo, nakababahala ito lalo na’t may mga insidente ng school violence kung saan kabilang ang bullying sa mga natutukoy na salik.

“Talagang hindi po talaga nakakagulat na marami po sa ating mga estudyante rin ay hindi gano’n ka-well-guided, in terms of their mental health, at kung bakit may nag-e-exist na bullying.” Dagdag pa ni Bernardo.

Sinabi pa ni Bernardo na mahalagang hindi lamang guidance personnel kundi maging mga guro ay mabigyan ng sapat na training upang matukoy ang mga senyales ng distress, bullying at iba pang problema ng mga mag-aaral.

“Dapat po, kahit ‘yung mga teachers natin ay well-trained pagdating dun sa pagha-handle ng mga cases, ‘no. Kasi sa ngayon po, hindi actually—kahit hindi naman po cases, pero tingin po namin kasi nalilimitahan din talaga kami.” Ani Bernardo.

Gayunman, binigyang-diin ni Bernardo na kailangan ding magkaroon ng sapat na proteksyon ang mga guro habang ginagampanan ang kanilang responsibilidad bilang mga tagapayo at katuwang ng mga magulang sa paghubog sa mga bata.
Ayon kay Bernardo, may mga pagkakataong nag-aatubili ang mga guro na kumilos sa mga problemang nakikita nila dahil sa pangambang mapasailalim sa reklamo o kaso sa ilalim ng Child Protection Law.

“Sadly, dahil nga po dun sa tingin natin ay may ngipin ‘yung RA 7610 o ‘yung Child Protection Law natin, ay mayroon kasi siyang tingin natin malabong provision hinggil dun sa other forms of child abuse na nagagamit po laban sa ating mga guro… napapaatras po kasi kami pagka wala pong protection din ‘yung mga teachers pag gano’n.” Ayon pa kay Bernardo.

Sa pananaw ng Simbahan, ang pag-aalaga sa kabuuang kapakanan ng mga kabataan ay pananagutan ng buong pamayanan kabilang ang paaralan, pamilya, pamahalaan at Simbahan kung saan mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na mga taong may kakayahang makinig, gumabay at umagapay sa mga kabataang dumaranas ng krisis, bago pa lumala ang kanilang pinagdaraanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 223,483 total reads

 223,483 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 255,214 total reads

 255,214 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 357,038 total reads

 357,038 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 397,600 total reads

 397,600 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 409,277 total reads

 409,277 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top