PNP, pinaigting ang kampanya laban sa pagnanakaw ng kuryente

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 878 total reads

Pinaiigting ng Philippine National Police ang kampanya laban sa pagnanakaw ng kuryente at hinikayat ang publiko na agad ireport sa mga awtoridad ang mga insidente ng illegal tapping at jumper upang maiwasan ang mas malalang aksidente at pagkalugi sa mga lehitimong konsyumer.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, inihayag ni Manila Police District Spokesperson, PMAJ. Philipp Ines na maaring maharap sa kaso ang mga mahuhuli sa pagnanakaw ng kuryente sa ilalim ng Republic Act No. 7832 o Anti-Pilferage of Electricity and Theft of Electric Transmission Lines/Materials Act.

Binigyang-diin ni Ines na bukod sa pagtaas ng singil sa kuryente, maaari ring mauwi sa sunog at iba pang aksidente ang illegal connections.

“Hindi lamang po ’yung pagbabayad natin—na mga lehitimong nagbabayad at kumokonsumo ng kuryente—kung hindi, nagdudulot po kasi ito ng mga aksidente katulad po ng sunog.” Bahagi ng pahayag ni Ines sa Radyo Veritas.
Ayon sa spokesperson ng MPD, mabigat ang parusa sa pagnanakaw ng kuryente, lalo na kung sangkot ang isang empleyado ng power service provider.

Pagbabahagi ni Ines, maaaring umabot sa 12 taon at isang araw hanggang 20 taon ang pagkakakulong depende sa kasong isinampa at mga umiiral na probisyon ng batas.

Hinimok naman ni Ines ang publiko na huwag balewalain ang mga nakikitang paglabag at gamitin ang 911 upang maiulat ang mga kahina-hinalang illegal electrical connections.

“Hindi po dapat natin kinikibit-balikat ’pag nakikita po natin na may mga lumalabag sa batas. Itawag niyo po sa ating awtoridad. Gamitin niyo po ’yung numerong 911.” Dagdag pa ni Ines.

Binigyang-diin din ng opisyal na ang pagkunsinti sa ganitong gawain ay maaaring maging dahilan upang isipin ng iba na normal lamang ang pagnanakaw ng kuryente.

“’Pag hindi po natin pinapansin, akala nu’ng iba ay nagiging tama na lang at normal na lang. Hindi po siya normal. Unang-una, ang apektado po nito, tayo mismo po na nagbabayad ng kuryente.” Ayon pa ni Ines.

Paliwanag ni Ines, mahalaga ang pakikiisa ng publiko upang maprotektahan ang mga pamilyang regular na nagbabayad ng kanilang konsumo at maiwasan ang panganib na dulot ng illegal connections.

“Tandaan po natin, marami po tayo ang pumapasan nito. Bigyan naman po natin ng hustisya ‘yung mga lehitimong nagbabayad nang tama sa kuryente.” Panawagan ni Ines.

Giit ni Ines, ang pagnanakaw ng kuryente ay hindi lamang usapin ng paglabag sa batas kundi isang panganib sa buong komunidad, lalo na sa mga lugar na siksikan ang mga kabahayan at negosyo.

Sa pananaw ng Simbahan, ang pagiging tapat sa paggamit at pagbabayad ng mga serbisyo ay bahagi rin ng pananagutan at malasakit sa kapwa, sapagkat ang pagnanakaw ng isang serbisyo ay maaaring magdulot ng panganib at dagdag na pasanin sa buong komunidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 8,429 total reads

 8,429 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 89,901 total reads

 89,901 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 184,126 total reads

 184,126 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 244,616 total reads

 244,616 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 258,108 total reads

 258,108 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 17,192 total reads

 17,192 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

Sacred music, mahalaga sa liturgy

 18,278 total reads

 18,278 total reads Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng sacred music sa liturhiya, partikular sa Banal na Misa, bilang tulong upang higit na

Read More »
Scroll to Top