SLP, pinaghahandaan ang National Laity Assembly

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 806 total reads

Naghahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas (SLP) para sa nalalapit na pagdiriwang ng Laity Week at National Laity Assembly, na layong higit na palakasin ang papel ng mga layko sa buhay at misyon ng Simbahan at sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo sa lipunan.

Pinangunahan ni Dipolog Bishop Severo Caermare – chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity ang pagdiriwang ng banal na misa sa naganap na National Board Meeting ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas (SLP) na isinagawa sa Cebu noong ika-30 ng Agosto, 2026.

Bilang paghahanda nagtipon ang SLP Board upang pag-usapan ang paghahanda para sa mga pagtitipon na layong magbigay-inspirasyon, magpalakas at magbigay-kakayahan sa mga layko sa pagtupad sa kanilang bokasyon at misyon bilang katuwang sa misyon ng Simbahan.

Ayon sa SLP, mahalagang maging pagkakataon ang nakatakdang Laity Week at National Laity Assembly upang higit na mapalalim ang pagkakaisa ng mga layko at mapanibago ang kanilang commitment sa misyon ng Simbahan.

“May these events deepen our communion, renew our commitment, and equip us to evangelize the temporal order of the world.” Bahagi ng pahayag ng SLP.

Binigyang-diin din ng SLP ang tungkulin ng mga layko na dalhin si Kristo at ang Ebanghelyo sa mga lugar kung saan sila naroroon—sa pamilya, trabaho, komunidad at iba’t ibang larangan ng lipunan.

“Together, let us continue to answer the call to be a synodal, missionary, and evangelizing Laity, bringing Christ to the heart of the world.” Dagdag pa ng SLP.

Samantala, pinasalamatan ng SLP ang mga obispo sa ilalim ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity sa kanilang patuloy na paggabay at pakikipag-ugnayan sa mga layko.

Sa pamamagitan ng pakikipagtagpo sa mga obispo, nagkaroon ang mga layko ng pagkakataong sama-samang manalangin, magnilay at kilalanin ang paggabay ng Espiritu Santo sa direksyon at misyon ng Filipino laity.

“We were given the opportunity to prayerfully reflect on the leading of the Holy Spirit for the Filipino laity and discern how the Lord is calling us to journey together as His Church.” Ayon pa sa SLP.

Binigyang-diin ng SLP na ang ganitong pakikipag-ugnayan ay nagpapatibay sa pagkilala sa Simbahan bilang isang synodal Church, kung saan ang bawat isa ay may pantay na dignidad habang ginagampanan ang magkakaibang bokasyon, kaloob at pananagutan.

Ipinaalala rin ng SLP na ang mga pari at layko ay hindi magkahiwalay o nagkakumpitensya sa loob ng Simbahan, kundi kapwa tinatawag na maging katuwang sa pagtupad ng misyon nito.

“The clergy and the laity are not separate or competing, but are called to co-responsibility in the life, mission, evangelization, and missionary action of the Church in the world.” Dagdag pa ng SLP.

Sa nalalapit na Laity Week at National Laity Assembly, umaasa ang SLP na higit na mapapalalim ang pagkakaisa, mapapanibago ang paninindigan at mapalalakas ang kakayahan ng mga layko na isabuhay ang kanilang bokasyon bilang mga synodal, missionary at evangelizing laity.

Ang mga layko ay ang mga binyagan na hindi naordinahan o kabilang sa mga religious congregation na tinatayang bumubuo sa 99.99% ng mga Katoliko sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 10,562 total reads

 10,562 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 45,499 total reads

 45,499 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 81,983 total reads

 81,983 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 100,195 total reads

 100,195 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 183,990 total reads

 183,990 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top