Suspension ng CJVA sa pagitan ng SOCOTECO II at Ignite Power, hiniling ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,381 total reads

Nanawagan ang Caritas Philippines na ipagpaliban ang plebisito kaugnay ng panukalang Conditional Joint Venture Agreement ng South Cotabato II Electric Cooperative o SOCOTECO II at Ignite Power kung hindi pa natitiyak ang malaya, may sapat na kaalaman, kapani-paniwala at mapagkakatiwalaang pagdedesisyon ng mga member-consumers-owners.

Sa mensahe ng pakikiisa sa Diocese of Marbel na pinamumunuan ni Bishop Cerilo Casicas, sinabi ni Bishop Gerardo Alminaza, Pangulo ng Caritas Philippines at Interim Chairperson ng Integral Ecology Ministry, na hindi dapat ituring na simpleng komersyal na produkto ang kuryente.

“Electricity touches almost every aspect of daily life. It lights homes, enables children to study, sustains hospitals and workplaces, and supports families’ livelihoods. It is not merely a commercial commodity; it is an essential public service,” pahayag ni Bishop Alminaza.

Binigyang-diin ng obispo na ang mga pasyang may kinalaman sa pagmamay-ari, pamamahala, operasyon, halaga, at pangmatagalang direksiyon ng serbisyo ng kuryente ay dapat na katuwang ang mga mamamayan, sa halip na isantabi ang kanilang karapatan.

Ayon sa Caritas Philippines, hindi sapat ang simpleng pagpapalabas ng kasunduan at pagdaraos ng information sessions upang masabing tunay na nakilahok ang mga member consumers.

“Disclosure alone is not the same as informed participation,” giit ni Bishop Alminaza.

Binigyang-diin ng obispo na kailangang mabigyan ang mga member consumers ng malinaw at tapat na paliwanag, malayang pagsusuri, kapani-paniwalang tugon sa kanilang mga tanong, at sapat na panahon upang suriin ang pangmatagalang epekto ng kasunduan sa singil sa kuryente, mga manggagawa, pamamahala at kinabukasan ng kooperatiba.

Binigyang-diin din ng Caritas Philippines ang kahalagahan ng independent oversight sa pangangasiwa ng plebisito, lalo na’t ang pamunuan ng kooperatiba ay may papel sa pangangasiwa, canvassing at pagpapahayag ng resulta.

“Openness, impartiality, and credible independent oversight are indispensable,” ayon sa pahayag.

Nilinaw naman ng Simbahan na hindi nito layuning diktahan ang boto ng mamamayan.

“The Church does not seek to decide for the people or dictate how they should vote,” paglilinaw ni Bishop Alminaza.

Sa halip, sinabi nito na tungkulin ng Simbahan na makilakbay sa mamamayan, hubugin ang konsensiya, ipagtanggol ang dignidad ng bawat isa, at pangalagaan ang demokratikong espasyo upang makapagpasya sila batay sa napatunayang katotohanan at sa kabutihang panlahat.

Apela ng Caritas Philippines sa mga lider ng kooperatiba, mga opisyal ng gobyerno, Ignite Power, civil society, mga pamayanang pangsimbahan, at mga member-consumers na pairalin ang katapatan, paggalang, at pagtanggol sa kapakanan ng nakararami.

“Let us seek verified facts; reject misinformation, inducements, intimidation, trolling, and personal attacks,” panawagan ni Bishop Alminaza.

Ang SOCOTECO II ang kasalukuyang nagsusuplay ng kuryente sa General Santos City, Sarangani, at iba pang bahagi ng South Cotabato.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Troublemaker

 3,837 total reads

 3,837 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 51,711 total reads

 51,711 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 155,876 total reads

 155,876 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 241,987 total reads

 241,987 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 311,995 total reads

 311,995 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top