SLP, pinaghahandaan ang National Laity Assembly

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,262 total reads

Naghahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas (SLP) para sa nalalapit na pagdiriwang ng Laity Week at National Laity Assembly, na layong higit na palakasin ang papel ng mga layko sa buhay at misyon ng Simbahan at sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo sa lipunan.

Pinangunahan ni Dipolog Bishop Severo Caermare – chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity ang pagdiriwang ng banal na misa sa naganap na National Board Meeting ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas (SLP) na isinagawa sa Cebu noong ika-30 ng Agosto, 2026.

Bilang paghahanda nagtipon ang SLP Board upang pag-usapan ang paghahanda para sa mga pagtitipon na layong magbigay-inspirasyon, magpalakas at magbigay-kakayahan sa mga layko sa pagtupad sa kanilang bokasyon at misyon bilang katuwang sa misyon ng Simbahan.

Ayon sa SLP, mahalagang maging pagkakataon ang nakatakdang Laity Week at National Laity Assembly upang higit na mapalalim ang pagkakaisa ng mga layko at mapanibago ang kanilang commitment sa misyon ng Simbahan.

“May these events deepen our communion, renew our commitment, and equip us to evangelize the temporal order of the world.” Bahagi ng pahayag ng SLP.

Binigyang-diin din ng SLP ang tungkulin ng mga layko na dalhin si Kristo at ang Ebanghelyo sa mga lugar kung saan sila naroroon—sa pamilya, trabaho, komunidad at iba’t ibang larangan ng lipunan.

“Together, let us continue to answer the call to be a synodal, missionary, and evangelizing Laity, bringing Christ to the heart of the world.” Dagdag pa ng SLP.

Samantala, pinasalamatan ng SLP ang mga obispo sa ilalim ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity sa kanilang patuloy na paggabay at pakikipag-ugnayan sa mga layko.

Sa pamamagitan ng pakikipagtagpo sa mga obispo, nagkaroon ang mga layko ng pagkakataong sama-samang manalangin, magnilay at kilalanin ang paggabay ng Espiritu Santo sa direksyon at misyon ng Filipino laity.

“We were given the opportunity to prayerfully reflect on the leading of the Holy Spirit for the Filipino laity and discern how the Lord is calling us to journey together as His Church.” Ayon pa sa SLP.

Binigyang-diin ng SLP na ang ganitong pakikipag-ugnayan ay nagpapatibay sa pagkilala sa Simbahan bilang isang synodal Church, kung saan ang bawat isa ay may pantay na dignidad habang ginagampanan ang magkakaibang bokasyon, kaloob at pananagutan.

Ipinaalala rin ng SLP na ang mga pari at layko ay hindi magkahiwalay o nagkakumpitensya sa loob ng Simbahan, kundi kapwa tinatawag na maging katuwang sa pagtupad ng misyon nito.

“The clergy and the laity are not separate or competing, but are called to co-responsibility in the life, mission, evangelization, and missionary action of the Church in the world.” Dagdag pa ng SLP.

Sa nalalapit na Laity Week at National Laity Assembly, umaasa ang SLP na higit na mapapalalim ang pagkakaisa, mapapanibago ang paninindigan at mapalalakas ang kakayahan ng mga layko na isabuhay ang kanilang bokasyon bilang mga synodal, missionary at evangelizing laity.

Ang mga layko ay ang mga binyagan na hindi naordinahan o kabilang sa mga religious congregation na tinatayang bumubuo sa 99.99% ng mga Katoliko sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 19,072 total reads

 19,072 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 42,436 total reads

 42,436 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 78,937 total reads

 78,937 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 299,561 total reads

 299,561 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 333,139 total reads

 333,139 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top