Pangangalaga at sustainable water management, prayer intentions ni Pope Leo XIV ngayong Setyembre

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,823 total reads

Inilaan ng Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV ang kanyang prayer intention ngayong buwan ng Setyembre para sa makatarungang pangangalaga at sustainable management o napapanatiling pamamahala sa tubig, bilang mahalagang yaman na kinakailangan ng bawat tao.

Sa kanyang September Prayer Intention, hinihikayat ng Santo Papa ang bawat isa na magkaroon ng malasakit sa pangangalaga at wastong paggamit ng tubig upang matiyak na walang maiiwan at lahat ay magkaroon ng pantay na access sa mahalagang yamang ito.

Binigyang-diin din ni Pope Leo XIV ang pangangailangang tiyaking ang tubig ay napapamahalaan nang makatarungan at napapanatili upang mapakinabangan ito ng kasalukuyan at mga susunod na henerasyon

“For the care of water: Let us pray for a just and sustainable management of water, a vital resource, so that everyone may have equal access to it.” panalangin ng Santo Papa para sa buwan ng Setyembre.

Muli ring ipinapaalala ng Santo Papa na ang tubig ay isang mahalagang yaman na hindi dapat maging pribilehiyo lamang ng iilan, kundi dapat mapakinabangan ng lahat, lalo na ng mga komunidad na higit na nakararanas ng kakulangan sa malinis at ligtas na suplay ng tubig.

Hinihikayat din ni Pope Leo XIV ang mga mananampalataya na magkaroon ng higit na malasakit sa pangangalaga sa kalikasan at maging responsable sa paggamit ng mga likas na yaman, kabilang ang tubig na mahalaga sa pagpapanatili ng buhay at kalusugan ng bawat tao.

Sa gitna ng mga hamon dulot ng climate change, polusyon, tagtuyot, pagbaha at hindi pantay na access sa likas na yaman, naniniwala ang Simbahan na mahalaga ang sama-samang pagkilos upang mapangalagaan ang tubig at matiyak ang patas na pamamahagi nito sa mga nangangailangan.

Bahagi rin ng panawagan ng Santo Papa ang pagpapaalala na ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi lamang usapin ng kapaligiran kundi isang pananagutan sa kapwa, lalo na sa mga mahihina at higit na naaapektuhan ng kakulangan sa likas na yaman.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Troublemaker

 599 total reads

 599 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 48,473 total reads

 48,473 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 152,883 total reads

 152,883 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 238,994 total reads

 238,994 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 309,114 total reads

 309,114 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top