Sama-samang pagkilos para sa kalikasan, bibigyan diin sa Manila Archdiocesan BEC general assembly

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,648 total reads

Bibigyang-diin ng Archdiocesan Basic Ecclesial Communities (BEC) General Assembly ang sama-samang pagkilos para sa kalikasan bilang pagpapahayag ng lumalalim na pananampalataya sa pagtitipon sa September 19 sa San Andres Sports Complex sa Malate, Maynila.

Sa temang “Nagkakaisang BEC: Sama-samang Pangangalaga sa Kalikasan, Tanda ng Paglago sa Pananampalataya,” layon ng pagtitipon na pagtibayin ang pagkakaisa, pakikibahagi at pananagutan ng mga BEC sa pangangalaga sa kapwa at sangnilikha.

Ayon sa programa ng pagtitipon, mahalagang maisabuhay ng mga kasapi ng BEC ang pananampalataya “sa pamamagitan ng kongkretong gawaing nagmamalasakit sa tao at sa kalikasan.”

Inaanyayahan ng Ministry on BEC Promotion and Formation ng Archdiocese of Manila ang mga parish priest at BEC promoters na dumalo sa taunang pagtitipon, kung saan inaasahan ang 1,820 na delegado o 20 kinatawan mula sa bawat parokya sa 91 parokya ng arkidiyosesis.

Pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang Banal na Misa sa ganap na ika-3 ng hapon.

Tampok din sa programa ang ulat tungkol sa mga naisakatuparan ng Archdiocesan BEC, mga interactive activities, at talakayan hinggil sa integral ecology na pangungunahan ni Adrian Tambuyat, O.P., coordinator ng RCAM Ministry on Integral Ecology.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 47,274 total reads

 47,274 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 151,831 total reads

 151,831 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 237,942 total reads

 237,942 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 308,075 total reads

 308,075 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 339,793 total reads

 339,793 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top