Displacement ng mga katutubo at paglawak ng mining sa bansa, pinangangambahan sa PAX SILICA projects

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 791 total reads

Nanindigan ang isang grupo ng mga tumututol sa PAX SILICA initiative na kailangang suriin nang mabuti ang proyekto dahil sa posibleng epekto nito sa mga katutubo, magsasaka, kalikasan at sa soberanya ng Pilipinas sa paggamit ng likas na yaman.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, ibinahagi ni Arnold Padilla, tagapagsalita ng Network Opposed to PAX SILICA at ng International League of Peoples’ Struggle Philippines na may apat ang pangunahing dahilan ng kanilang pagtutol sa naturang inisyatiba.

Kabilang dito ang pangamba sa malawakang displacement ng mga katutubong Aeta at magsasaka sa Capas, Tarlac, pati na rin ang posibleng paglawak ng pagmimina sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang tugunan ang pangangailangan ng supply chain para sa artificial intelligence.

“Hindi lamang ‘yung mga komunidad—’yung immediate communities around the proposed manufacturing hub—ang tatamaan,” Bahagi ng pahayag ni Padilla sa Radyo Veritas,

Binigyang-diin din nito na maaari ring maapektuhan ang iba pang komunidad na nakadepende sa mga lugar na pagmiminahan ng nickel, copper, cobalt at iba pang mineral.

Nababahala rin ang grupo sa posibleng pagkasira ng kalikasan bunsod ng pagpapalawak ng pagmimina, kabilang ang pagkawasak ng kagubatan at pagkalason ng mga ilog at sapa.

Partikular ding binanggit ni Padilla ang malaking pangangailangan sa tubig ng planong manufacturing hub sa Clark, na maaaring makaapekto sa suplay ng tubig ng mga kalapit na komunidad.

Iginiit din ng grupo na usapin din ng pambansang soberanya ang PAX SILICA dahil sa malaking papel ng dayuhang interes sa pagpapasya kung paano gagamitin ang likas na yaman ng Pilipinas.

“Kung tayo ay totoong malayang bansa, ang pagpapasya kung paano natin gagamitin ang ating natural resources, kung anong klaseng development program ang kailangan natin na magsisilbi sa ating interes bilang isang bayan at sa kagalingan ng ating mamamayan, dapat tayo ang nagpapasya niyan,” ani Padilla.

Ayon sa tagapagsalita, ang PAX SILICA ay bahagi ng mas malawak na kompetisyon ng Estados Unidos at China para sa kontrol sa artificial intelligence at iba pang estratehikong industriya.

Dahil dito, sinabi rin ni Padilla na hindi lamang usaping pang-ekonomiya ang proyekto dahil maaari rin itong magkaroon ng implikasyon sa seguridad at militar.

Ipinaliwanag din nito na ang mga teknolohiyang ginagamit sa artificial intelligence at semiconductor production ay maaaring magkaroon ng “dual-use,” o maaaring gamitin kapwa sa sibilyan at military applications.

Samantala, binigyang-diin naman ni Padilla na hindi nila tinututulan ang artificial intelligence o ang foreign investment sa bansa, kundi ang paraan ng paggamit sa likas na yaman at ang kawalan ng sapat na kontrol ng mga Pilipino sa mga desisyong may malaking epekto sa bansa.

“Ang gusto namin ay independent foreign policy. Kumbaga, Pilipino ang magpasya paano natin gagamitin ang ating lupa, ang ating tubig, ang ating enerhiya para sa kapakinabangan ng ating bayan,” ani Padilla.

Nanawagan din ang grupo para sa isang development policy na inuuna ang kapakanan ng mga Pilipino at nagbibigay sa bansa ng higit na kapangyarihang magpasya kung paano gagamitin ang sariling likas na yaman.

Sa bahagi ng Simbahan, ang usapin ng paggamit sa likas na yaman ay hindi lamang tungkol sa pag-unlad ng ekonomiya kundi nakaugnay din sa dignidad ng tao, pangangalaga sa kalikasan at pagtataguyod ng kabutihang panlahat kaya naman dapat isaalang-alang sa anumang proyektong pangkaunlaran ang kapakanan ng mga komunidad, lalo na ng mga mahihina at maaaring direktang maapektuhan, gayundin ang pananagutan sa kalikasan at sa mga susunod na salinlahi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 11,015 total reads

 11,015 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 45,921 total reads

 45,921 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 82,405 total reads

 82,405 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 100,617 total reads

 100,617 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 184,380 total reads

 184,380 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top