Mahigpit na security measures at access control, ipinatupad ng AdZU

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 908 total reads

Pinaigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang security measures at access control sa Salvador Campus nito bilang paghahanda sa pagbabalik ng face-to-face classes ngayong Setyembre 1, 2026 matapos ang halos dalawang linggong suspensyon ng klase.

Kabilang sa mga ipinatupad na hakbang ang pagdaragdag ng RFID readers at mga CCTV camera sa mahahalagang bahagi ng campus upang mapalakas ang monitoring at mas mahigpit na makontrol ang pagpasok at paglabas ng mga estudyante at iba pang miyembro ng komunidad.

Sumailalim din sa walkthrough at briefing ang University Security Team hinggil sa entry screening, paggamit ng security equipment, bag checks, pamamahala sa prohibited items, gayundin sa behavioral indicators at de-escalation protocols.

Ayon sa AdZU, layunin ng mga hakbang na matiyak ang ligtas at maayos na pagbabalik ng mga estudyante sa in-person instruction.

“Ateneo de Zamboanga University (AdZU) has reinforced its campus safety and security protocols to facilitate a smoother, safer return for students coming back to the Salvador Campus on September 1, 2026… Driven by a tireless adherence to safety, especially as students return to in-person instruction, the University Security Team worked diligently to fortify access points and ensure that all security equipment is fully functional.” Bahagi ng pahayag ng unibersidad.

Ibinahagi rin ng pamunuan ng AdZU ang patuloy na pagsusuri ng unibersidad sa mga security procedures at operational protocols upang maprotektahan ang buong academic community at mapanatili ang campus bilang ligtas na lugar para sa pag-aaral.

“Through continuous review of operational procedures and security protocols, and a steadfast commitment to the community’s well-being, AdZU ensures that the campus remains a sanctuary for learning.” Ayon sa pamunuan ng unibersdad.

Kasabay ng pagbabalik ng face-to-face classes, hinikayat din ng AdZU ang lahat ng miyembro ng komunidad na sundin ang mga security procedures at makipagtulungan sa mga security personnel na nagpapatupad ng mga bagong hakbang kasunod ng naganap na pamamaril sa campus noong Agosto 18, 2026 na ikinasawi ng dalawang indibidwal.

Sa gitna ng patuloy na pagbangon ng komunidad, binigyang-diin ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos upang matiyak na ang unibersidad ay mananatiling ligtas na lugar para sa edukasyon at paghubog sa kabataan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 11,583 total reads

 11,583 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 46,453 total reads

 46,453 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 82,935 total reads

 82,935 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 101,147 total reads

 101,147 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 184,891 total reads

 184,891 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top