Pananagutan ng mga sangkot sa flood control project scam, panawagan ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,390 total reads

Nanawagan si Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona ng agarang imbestigasyon at pananagutan sa mga sangkot sa korapsyon sa mga pondong inilaan para sa mga flood-control project.

Sa kanyang pastoral letter para sa Buwan ng Ekolohiya o Season of Creation, sinabi ng obispo na lalo pang pinabibigat ng katiwalian ang pagdurusa ng mga pamilyang naapektuhan ng malawakang pagbaha sa bansa.

“Dapat nating patuloy na hingin ang katotohanan, transparency, at pananagutan,” ayon sa pahayag ni Bishop Mesiona.

Binigyang-diin ng obispo na dapat mapanagot ang mga responsable sa malawakang korapsyon lalo na sa paglustay sa bilyong pisong halaga ng pondong inilalaan para sa pagbibigay ng proteksyon sa mamamayan.

“Ang mga responsable sa korapsiyon ay dapat agarang imbestigahan at mapanagot sa ilalim ng nararapat na proseso ng batas,” ani Bishop Mesiona.

Ayon sa obispo, hindi lamang nawawalang pondo ang dapat tutukan, kundi maging ang iba pang anyo ng katiwaliang nakapagpapalala sa pinsala ng kalamidad.

“Ang kamakailang pagbaha ay lalo ring pinalala ng iba pang uri ng katiwalian: kapabayaan, pagsasamantala, ilegal na pagtotroso, iresponsableng pagmimina, kaingin, maling pagtatapon ng basura, at bawat gawaing inuuna ang pansariling interes kaysa sa kabutihang panlahat,” giit ng obispo.

Iginiit ni Bishop Mesiona na magkaugnay ang pangangalaga sa kalikasan at ang pagtatanggol sa kapakanan ng mga maralita.

“Ang daing ng kalikasan at ang daing ng mahihirap ay magkaugnay at hindi mapaghihiwalay,” diin ng obispo.

Umapela si Bishop Mesiona para sa ganap na pagpapatupad ng 50-taong moratorium sa pag-eendorso ng mga bagong pagmimina at mga aplikasyon sa Palawan.

“Nananawagan din tayo para sa buong pagpapatupad ng limampung (50) taong moratorium sa pag-eendorso ng mga bagong operasyon at aplikasyon sa pagmimina sa Palawan,” pahayag ni Bishop Mesiona.

Ayon sa obispo, ang pangangalaga sa likas na yaman ay usapin ng katarungan, lalo na para sa mga susunod na henerasyon at sa mga sektor na unang naaapektuhan ng sakuna.

“Hindi tayo maaaring manatiling bingi sa kanilang mga daing. Dapat tayong sama-samang kumilos upang iligtas ang Inang Kalikasan, sapagkat sa pagligtas sa kanya ay inililigtas din natin ang sangkatauhan, lalo na ang mga mahihirap,” ani Bishop Mesiona.

Ipinagdiwang ng buong simbahan ang Season of Creation bilang pagbibigay diin sa tungkulin ng bawat isa para sa pangangalaga ng kalikasan alinsunod sa panawagan sa ensiklikal ni Pope Francis na Laudato Si.

Ginugunita ito mula sa unang araw ng Setyembre at nagtatapos sa October 4 sa kapistahan ni San Francisco ng Assisi, ang patron ng ekolohiya, subalit sa Pilipinas, pinalawig ito sa ikalawang linggo ng Oktubre sa pagdiriwang ng Indigenous Peoples Sunday bilang pagkilala sa mga katutubo na nangunguna sa pangangalaga ng kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 47,260 total reads

 47,260 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 151,818 total reads

 151,818 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 237,929 total reads

 237,929 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 308,062 total reads

 308,062 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 339,780 total reads

 339,780 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top