Mahigpit na security measures at access control, ipinatupad ng AdZU

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,755 total reads

Pinaigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang security measures at access control sa Salvador Campus nito bilang paghahanda sa pagbabalik ng face-to-face classes ngayong Setyembre 1, 2026 matapos ang halos dalawang linggong suspensyon ng klase.

Kabilang sa mga ipinatupad na hakbang ang pagdaragdag ng RFID readers at mga CCTV camera sa mahahalagang bahagi ng campus upang mapalakas ang monitoring at mas mahigpit na makontrol ang pagpasok at paglabas ng mga estudyante at iba pang miyembro ng komunidad.

Sumailalim din sa walkthrough at briefing ang University Security Team hinggil sa entry screening, paggamit ng security equipment, bag checks, pamamahala sa prohibited items, gayundin sa behavioral indicators at de-escalation protocols.

Ayon sa AdZU, layunin ng mga hakbang na matiyak ang ligtas at maayos na pagbabalik ng mga estudyante sa in-person instruction.

“Ateneo de Zamboanga University (AdZU) has reinforced its campus safety and security protocols to facilitate a smoother, safer return for students coming back to the Salvador Campus on September 1, 2026… Driven by a tireless adherence to safety, especially as students return to in-person instruction, the University Security Team worked diligently to fortify access points and ensure that all security equipment is fully functional.” Bahagi ng pahayag ng unibersidad.

Ibinahagi rin ng pamunuan ng AdZU ang patuloy na pagsusuri ng unibersidad sa mga security procedures at operational protocols upang maprotektahan ang buong academic community at mapanatili ang campus bilang ligtas na lugar para sa pag-aaral.

“Through continuous review of operational procedures and security protocols, and a steadfast commitment to the community’s well-being, AdZU ensures that the campus remains a sanctuary for learning.” Ayon sa pamunuan ng unibersdad.

Kasabay ng pagbabalik ng face-to-face classes, hinikayat din ng AdZU ang lahat ng miyembro ng komunidad na sundin ang mga security procedures at makipagtulungan sa mga security personnel na nagpapatupad ng mga bagong hakbang kasunod ng naganap na pamamaril sa campus noong Agosto 18, 2026 na ikinasawi ng dalawang indibidwal.

Sa gitna ng patuloy na pagbangon ng komunidad, binigyang-diin ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos upang matiyak na ang unibersidad ay mananatiling ligtas na lugar para sa edukasyon at paghubog sa kabataan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 47,265 total reads

 47,265 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 151,823 total reads

 151,823 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 237,934 total reads

 237,934 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 308,067 total reads

 308,067 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 339,785 total reads

 339,785 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top