Maging prophetic witness of peace, misyon ng CMSP 2nd convention sa Zamboanga City

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,724 total reads

Binuksan ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) ang 2nd CMSP Convention sa Zamboanga City sa panawagang maging “prophetic witnesses of peace in a wounded world” ang mga consecrated persons sa gitna ng karahasan, kahirapan, migrasyon, at pagkakawatak-watak ng lipunan.

Isinasagawa ang pagtitipon mula September 1 hanggang 5, 2026 sa Grand Astoria Hotel sa Zamboanga City.

Ito ang ibinahagi nina Fr. Angel Cortez, OFM, at Sr. Mila Margaret Montegrejo, Carm. OL, mga co-executive secretary ng CMSP, sa pagbubukas ng pagtitipon na nakatuon sa temang, “Consecrated Persons: Prophetic Witnesses of Peace in a Wounded World.”

Ayon sa mga opisyal ng CMSP, ang convention ay pagkakataon para sa mga major superior, relihiyosong lalaki at babae, mission partners, at iba pang katuwang sa misyon na manalangin, magbuklod, magdayalogo, at sama-samang magnilay.

Binigyang-diin ng CMSP ang panawagan sa mga relihiyoso na maging “leaven of peace and signs of hope wherever Providence may lead” sa gitna ng mga suliraning dulot ng karahasan, kahirapan, pagkasira ng kalikasan, migrasyon, at pagkakawatak-watak ng lipunan.

Ipinaalala rin na ang pagiging propeta ay hindi lamang nakikita sa pagsasalita, kundi sa pamumuhay na naghahayag ng presensya ng Diyos sa panalangin, “self-emptying love,” at bukas-palad na paglilingkod.

Kasabay nito, itinatampok sa convention ang pagpapahalaga sa dignidad ng bawat tao.

“The dignity of every human person is not earned but received as God’s gift. Every human person possesses an inherent dignity that can never be reduced to productivity, status, or usefulness.”

Iginiit ng CMSP na dapat manaig ang pagkakapatiran, pakikilahok, pagkakaisa, at kabutihang panlahat sa mga institusyon at estrukturang panlipunan.

Ibabatay ang convention sa Filipino spiritual framework na MULAT, DAMA, TINDIG, at PAGHAYO upang gabayan ang mga kalahok sa pagkilala sa mga hamon ng lipunan, pakikiisa sa daing at pag-asa ng sambayanan, at matapang na pagsaksi para sa kapayapaan.

Pinili ang Zamboanga City bilang lugar ng pagtitipon dahil sa patuloy na pagtataguyod ng dayalogo at mapayapang pakikipamuhay ng mga Kristiyano, Muslim, at mga Indigenous Peoples.

Inilarawan ng CMSP ang convention bilang “a school of communion and a pilgrimage of hope.”

Magtatapos ang pagtitipon sa Rite of PAGHAYO, kung saan isusugo ang mga kalahok sa kanilang mga pamayanan.

“Renewed in hope and committed to building a more humane, fraternal, and peaceful society.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 47,281 total reads

 47,281 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 151,838 total reads

 151,838 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 237,949 total reads

 237,949 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 308,082 total reads

 308,082 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 339,799 total reads

 339,799 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top