Ayon kay Fr. Geowen Porciuncula, CM, executive director ng Vincentian Foundation, dapat magbago ang pananaw ng lipunan sa usapin ng homelessness.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,126 total reads

Kilalanin at igalang ang mga pamilyang nakatira sa lansangan, apela ng Vincentian foundation

Hinimok ng Vincentian Foundation ang publiko na kilalanin at igalang ang mga pamilyang naninirahan sa mga lansangan.
Ito ang mensahe ng pari sa paggunita ng ika-36 na taon ng pagkakatatag ng institusyon sa ginanap na programa noong August 29 sa Bulwagang San Vicente de Paul sa Quezon City.

Ayon kay Fr. Geowen Porciuncula, CM, executive director ng Vincentian Foundation, dapat magbago ang pananaw ng lipunan sa usapin ng homelessness.

“Kapag pinag-uusapan natin ang homelessness, una nating laging isipin na may mukha ang sektor na ito. They are not just homeless; they are not just people living rough. Kundi, itong mga ito ay may mukha, may pamilya, at may mga pangarap,” pahayag ni Fr. Porciuncula sa Radyo Veritas.

Ayon sa pari, ang pagkilala at simpleng pakikipag-usap sa mga taong nasa lansangan ay mahalagang unang hakbang upang maramdaman nilang nakikita at kinikilala sila ng lipunan at maipadama ang diwa ng habag at pag-ibig ng Panginoon.
“Ang simpleng pakikipag-usap sa kanila, sharing stories, making them identified, and making them feel their presence—malaking bagay at malaking tulong na ito sa kanila,” ani Fr. Porciuncula.

Bilang tugon sa lumalalim na suliranin ng homelessness, sinabi ng foundation na mas tututukan nito ang mga pamilyang nasa street-dwelling situations sa Metro Manila sa pamamagitan ng Onward Home Project.

“We made a specific focus on families in street-dwelling situations, specifically in Metro Manila,” saad ni Fr. Porciuncula.

Sa proyekto, nagtutulungan ang Vincentian Foundation, DePaul Philippines, at mga kasapi ng Vincentian Family—kabilang ang Daughters of Charity, Congregation of the Mission, Ladies of Charity, at Society of St. Vincent de Paul—upang maihatid ang holistic, integral, at gospel-based na pagtugon sa mga pangangailangan ng mga pamilya.

Aniya, ito ang tugon ng institusyon sa dumaraming bilang ng mga walang tahanan na batay sa datos, tinatayang nasa 3 milyong katao.

Binigyang-diin ng pari na hindi lamang pagbibigay ng tirahan ang layunin ng programa, kundi ang paghahanda ng mga pamilya para sa matatag na pamumuhay sa komunidad sa pamamagitan ng community building, leadership capacitation, faith formation, at values education.

“Sa simula pa lang, kasama na sila sa pag-create ng ating mga programs at mga interventions,” ani Fr. Porciuncula, na iginiit ang kahalagahan ng pakikilahok ng mga benepisyaryo sa pagbuo ng mga tugon sa kanilang kalagayan.

Kasabay ng paglawak ng mga programa, tiniyak din ng foundation ang maingat na pangangasiwa sa mga pondong ipinagkakatiwala rito.

“Mini-maintain natin lagi na below 20 percent ang ating operational at administrative costs para mas malaking pondo ang napupunta sa ating programs,” ayon kay Fr. Porciuncula.

Nanawagan naman ang pari sa mga mananampalataya at sa publiko na makilahok sa mga inisyatiba para sa mga walang tahanan sa pamamagitan ng pagboboluntaryo, pagbabahagi ng kakayahan at panahon, at pananalangin.

“Hindi lang kami social workers, hindi lang kami development workers, kundi kami ay mga missionaries at mga disipulo ni Kristo,” pahayag ni Fr. Porciuncula.

“When we do development work, when we do social work, it has to be gospel-based.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 21,954 total reads

 21,954 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 56,176 total reads

 56,176 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 92,658 total reads

 92,658 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 110,870 total reads

 110,870 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 194,031 total reads

 194,031 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top