Mundo nahaharap sa extinction kapag walang magaganap na ecological conversion sa mga tao, babala ng PMPI

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,392 total reads

Nagbabala ang Philippine Misereor Partnership Inc. (PMPI) na nasa kalagayan na ng climate emergency ang mundo at kailangan ang malalaking pagbabago sa paraan ng pakikitungo ng tao sa kalikasan upang maiwasan ang higit pang pagdurusa.

Sa kanyang pahayag sa National Convention ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP), sinabi ni Yolanda Esguerra, national coordinator ng PMPI, na malinaw nang ipinakikita ng mga eksperto na ang kasalukuyang krisis sa klima ay dulot ng kapabayaan at mga mapang-abusong gawain ng tao.

“We are in a state of climate emergency, and it is human-induced. Unless there are major transformations to global society in the way we relate to nature, the world’s people will face untold suffering, including extinction,” ayon kay Esguerra.

Sinabi pa nitong bahagi lamang ng mas malawak na “triple planetary crisis” ang climate change, kasama ang pagkawala ng biodiversity at lumalalang polusyon.

Batid din ni Esguerra na sa Pilipinas ay araw-araw nang nararamdaman ang epekto ng mga krisis sa klima mula sa mas malalakas na bagyo na nagdudulot ng malawakang pagbaha hanggang sa matinding init na umaabot sa 45 degrees Celsius.

Iginiit din ni Esguerra na hindi lamang usaping pangkalikasan ang pagkasira ng kapaligiran dahil direktang naaapektuhan nito ang buhay at kabuhayan ng mga mamamayan.

“The wounds of the Earth are the wounds of our communities too. When nature suffers, people suffer. When ecosystems collapse, livelihoods collapse. When rivers die, culture dies,” aniya.

Tinalakay din ni Esguerra ang adbokasiyang isinusulong na Rights of Nature kung saan binigyang-diin na kailangang baguhin ang pananaw ng tao sa kalikasan mula sa pagtingin dito bilang simpleng mapagkukunan ng yaman tungo sa pagkilala sa malalim na ugnayan ng tao at ng buong sangnilikha.

Aniya, ang pagkakahiwalay ng tao sa kalikasan ay isa sa mga malalim na ugat ng patuloy na pagsasamantala rito.
“When we see nature as the ‘other,’ we justify harm. When we see land as a commodity, we justify exploitation. When we see rivers as resources, we can justify pollution,” paliwanag ni Esguerra.

Binigyang-diin niya na ang Rights of Nature ay nangangailangan ng pagbabago sa pananaw ng lipunan tungo sa mas malalim na pagkakaugnay ng tao at ng kalikasan.

“The Rights of Nature is actually a push for a paradigm shift from a disconnected and separated perspective to a more interconnected perspective,” aniya.

Naniniwala ang opisyal ng PMPI na ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi dapat maihiwalay sa pagsusulong ng kapayapaan at kapakanan ng mga komunidad.

Nanawagan si Esguerra ng mas malalim na pagbabago sa pananaw at mga sistemang patuloy na nagdudulot ng pagkasira ng kalikasan, bilang tugon sa lumalalang planetary crisis.

Hinimok ni Esguerra ang mga religious congregations at communities na mas paigtingin pa ang pagtutulungan para sa pagtatanggol sa kalikasan, alinsunod sa diwa ng misyon at sa ensiklikal na Laudato Si ni Pope Francis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 42,933 total reads

 42,933 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 147,686 total reads

 147,686 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 233,796 total reads

 233,796 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 303,930 total reads

 303,930 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 335,824 total reads

 335,824 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top