Bishop Villarojo, nagbabala laban sa cover-up ng mga kaso ng pang-aabuso sa mga menor-de-edad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 743 total reads

Nanindigan ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na walang puwang ang pagtatakip at kapabayaan sa loob ng Simbahan sa mga kaso ng pang-aabuso sa mga menor de edad at vulnerable adults.

Ito ang mariing babala ni Malolos Bishop Dennis Villarojo, chairman ng CBCP Office for the Protection of Minors and Vulnerable Persons sa mga religious superiors na dumalo sa national convention ng Conference of Major Superiors in the Philippines o CMSP sa Zamboanga City.

Binigyang-diin ni Bishop Villarojo na hindi dapat maging dahilan ang mga umiiral na safeguarding protocols upang maging kampante ang mga lider ng Simbahan sa anumang uri ng pang-aabuso.

“The fact that action is being taken to deal with sex abuse cases should not, however, give us a spirit of complacency, because one case is more than what we can tolerate,” ayon kay Bishop Villarojo.

Ayon sa obispo, dapat harapin ng Simbahan ang sariling mga pagkukulang at tiyaking hindi natatabunan ng pagkakapatiran o personal na relasyon ang pananagutan.

Babala ng obispo na maaaring managot mismo ang mga lider na magtatakip o magpapabaya sa paghawak ng mga kaso.

“Any form of cover-up or negligence can make the point person liable to a separate investigation which may lead to removal from office,” babala ni Bishop Villarojo.

Iginiit ng pastol na hindi sapat ang pagkakaroon ng mga patakaran upang masabing ligtas ang isang komunidad.

“To create safe communities within the Church, we must first acknowledge our failures in this regard,” aniya.

Iginiit ng obispo na ang responsibilidad sa proteksiyon ng mga bata at vulnerable adults ay hindi lamang tungkulin ng iilang safeguarding officers kundi ng buong komunidad.

Binigyang-diin din ni Bishop Villarojo na ang tunay na ligtas na komunidad ay dapat higit pa sa isang sistemang nakatuon lamang sa pag-iwas sa pang-aabuso.

“‘Safe’ does not only mean having all the systems in place to prevent any form of abuse. That community may be safe, but it may also be antiseptic, and even toxic,” saad ni Bishop Villarojo.

Ayon sa obispo, kailangang maging tapat sa pananampalataya, masaya sa paglilingkod, disiplinado sa pamumuhay at masigasig sa misyon ang mga religious community dahil mahalagang paraan din ito sa paghikayat sa mga kabataan na pumasok sa buhay relihiyoso.

“It is logical to postulate that a safe community is more attractive to young people than those that are perceived not to be.”

Pinangangasiwaan ni Bishop Villarojo ang tanggapan ng CBCP na nagbibigay ng suporta sa mga diyosesis sa pagtatatag ng safeguarding structures at sa mga hakbang para sa prevention, protection, investigation at restoration.

Ang CMSP convention ay isinasagawa sa Zamboanga City mula Setyembre 1 hanggang 5 sa temang “Consecrated Persons: Prophetic Witnesses of Peace in a Wounded World.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 108,524 total reads

 108,524 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 143,201 total reads

 143,201 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 166,238 total reads

 166,238 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 202,724 total reads

 202,724 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 214,138 total reads

 214,138 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Tao, dapat pangalagaan ng simbahan at hindi AI

 2,458 total reads

 2,458 total reads Nagbabala ang isang pari na maaaring maging mas “artipisyal” ang tao kaysa sa artificial intelligence kung hindi mapangangalagaan ang kanyang pagkakakilanlan, dignidad at

Read More »
Scroll to Top