Education is a great social equalizer, Father Pascual

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 746 total reads

Binigyang-diin ni Caritas Manila Executive Director Father Anton CT Pascual ang kahalagahan ng edukasyon bilang daan upang makaahon sa kahirapan.

Nanawagan din si Father Pascual sa iba’t-ibang sektor at pamahalaan na magtulungan upang matugunan ang mga suliraning kinakaharap ng kabataan.

Sa kanyang mensahe sa RCAM Kairos and Annual Recognition 2026 ng Caritas Manila, sinabi ni Fr. Pascual na malaking biyaya ang pagtatapos ng mga iskolar ng Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP na nakakuha ng college degree, dahil nagbibigay ang edukasyon ng kaalaman, kasanayan at tamang pananaw upang malampasan ang kahirapan, kawalan at kamangmangan.

Nagpasalamat din si Fr. Pascual sa mga donors at benefactors, gayundin sa libo-libong volunteers na patuloy na tumutulong sa pag-aalaga at paggabay sa mga iskolar ng Caritas Manila.

Binigyang-diin niya na mahalaga ang pagtutulungan ng pamahalaan, Simbahan at pribadong sektor upang matugunan hindi lamang ang kahirapan kundi maging ang mga epekto nito sa kabataan, kabilang ang karahasan sa pamilya, bullying at school violence.

Ayon kay Fr. Pascual, mga senyales ang mga suliraning ito ng mas malalim na hamon na nangangailangan ng panahon at atensyon, lalo na sa pag-aalaga at paggabay sa mga kabataan.

““Naniniwala po tayo na education is a great social equalizer upang tayo po ay magtagumpay sa kahirapan at kamangmangan, dahil nagbibigay ito ng knowledge, skills and attitude. Napakahalaga na magkaroon ng partnership ang all sectors, tulong-tulong ang gobyerno, Simbahan at private sector upang tugunan ang kahirapan at ang epekto nito. Andiyan ang mga karahasan sa pamilya, bullying at school violence. Ito ay mga senyales ng malalim na suliranin na kailangan nating bigyan ng panahon at atensyon ang pag-aalaga sa ating mga kabataan.,” ayon naman sa panayam ng Radyo Veritas kay Father Pascual.

Samantala, hinimok ni Second Congressional Commission on Education o EDCOM II Executive Director Dr. Karol Mark Yee ang mga nagsipagtapos na YSLEP Youth Servant Leaders na maging katuwang sa pagtugon sa mga hamon na kinakaharap ng mga bata at kabataan sa kanilang mga komunidad.

Hinikayat ni Yee ang mga graduates na tumulong sa paghahanap at paggabay sa mga batang nahihirapang bumasa, gayundin sa mga nakararanas ng bullying at karahasan sa paaralan, komunidad at maging sa tahanan.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pakikinig at presensya ng mga Youth Servant Leaders upang maipadama sa mga bata na hindi sila nag-iisa at mayroon silang maaaring lapitan, hangaan at gawing gabay sa kanilang paglaki bilang mabubuting Pilipino.

Hinimok din ni Yee ang mga nagtapos na isabuhay ang malasakit, konsensya at pagtulong sa kapwa bilang bahagi ng kanilang pananagutang panlipunan at pagiging tunay na lingkod sa komunidad.

Maiuugnay ang mga mensahe nina Fr. Pascual at Yee sa panawagan ni Pope Francis sa Fratelli Tutti para sa pagkakaisa at pagkakalinga sa mga mahihina at nangangailangan, kabilang ang pagsusulong ng edukasyon, formation, solidarity at paglilingkod bilang bahagi ng pagtugon sa mga ugat ng kahirapan.

Mahigit 500 YSLEP scholars mula sa Archdiocese of Manila ang nagtapos at nakakuha ng college degree ngayong school year, habang tampok din sa programa ang mga patotoo ng mga scholars at opisyal ng Caritas Manila.
Isinagawa ang pagkilala sa temang “Youth Servant Leaders: Walking in Faith, Living in Hope, Serving with Love,” at ito na ang ikalawang sunod na taon na idinaos ang programa sa Makati Coliseum sa pakikipagtulungan ng Caritas Manila at Makati City Government.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 145,615 total reads

 145,615 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 178,943 total reads

 178,943 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 211,088 total reads

 211,088 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 277,151 total reads

 277,151 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 287,143 total reads

 287,143 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top