Dalhin ang simbahan sa lahat ng sektor sa Lipunan, panawagan ni Bishop Santos sa mga layko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 40,714 total reads

Hinimok ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga layko na higit paigtingin ang misyong palaganapin ang pananampalataya at dalhin ang simbahan sa lahat ng sektor ng lipunan.

Ito ang mensahe ng obispo sa pagbubukas ng National Laity Week 2026 sa Nativity of Our Lady Parish sa Marikina City.
Binigyang-diin ni Bishop Santos na hindi sapat ang pagiging aktibo sa Simbahan upang magampanan ang bokasyon ng mga layko kundi isabuhay ito sa pang araw-araw na buhay.

“Your vocation is not simply to come to the church. Your vocation is to bring the church into the world,” ayon kay Bishop Santos.

Paliwanag ni Bishop Santos na hindi lamang sa loob ng mga Simbahan ang ebanghelisasyon, kundi sa paraan ng pamumuhay ng mga layko lalo na sa mga tahanan, trabaho, paaralan, negosyo at iba pang sektor ng lipunan.

Binigyang-diin ng pastol na ang bokasyon ng mga layko ay isang natatanging misyon sa mundo.

“The church does not evangelize only from the pulpit. The church evangelizes through your life… That is why the lay vocation is not a lesser vocation. It is a missionary vocation. You are sent,” giit ni Bishop Santos.

Samantala sa pahayag ni Sangguniang Laiko ng Pilipinas President Albert Loteyro iginiit nitong ang mga layko ay dapat maging aktibong katuwang sa misyon ng Simbahan at hindi lamang mga tagamasid.

“The lay faithful are not mere spectators. We are co-responsible partners in communion, participation, and mission,” ayon kay Loteyro.

Hinimok din ni Loteyro ang mga laykong isabuhay ang kanilang pananampalataya sa mga konkretong gawain at sa paraan ng pamumuhay.

“As lay disciples, we are called not only to profess our faith, but to live it. We are called to embody the values of Christ in our choices, relationships, civic duties, and service to the common good,” aniya.

“To allow Christ to be formed in us is not only a spiritual desire. It is a mission.”

Tema ng National Laity Week 2026 ang ‘The Laity United in Prayer as Pilgrims of Hope’ That Christ may be formed in us (Galatians 4:19) na nakatuon sa patuloy na paghuhubog sa mga layko upang maging mga saksi ni Kristo sa pamilya, komunidad at lipunan.

Dumalo sa pagtitipon ang may 300 mga layko mula sa iba’t ibang diyosesis at lay mandated organizations sa bansa.

Tampok sa pagbubukas ng pagdiriwang ang pilgrimage sa pitong Jubilee Churches ng Dioces of Antipolo sa pagdiriwang ng ika-400 anibersaryo ng pagdating ng imahe ng Nuestra Señora De La Paz y Buen Viaje at ika-100 anibersaryo ng canonical coronation.

Kabilang sa mga binisitang simbahan ang Nativity of Our Lady Parish, Nuestra Señora De Los Desamparados, Immaculate Conception Parish, National Shrine and Parish of St. Therese of the Child Jesus, Diocesan Shrine and Parish of St. Pio of Pietrelcina, Immaculate Heart of Mary Parish, at ang International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 50,716 total reads

 50,716 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 147,454 total reads

 147,454 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 191,723 total reads

 191,723 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 214,832 total reads

 214,832 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 287,732 total reads

 287,732 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top