Education is a great social equalizer, Father Pascual

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,882 total reads

Binigyang-diin ni Caritas Manila Executive Director Father Anton CT Pascual ang kahalagahan ng edukasyon bilang daan upang makaahon sa kahirapan.

Nanawagan din si Father Pascual sa iba’t-ibang sektor at pamahalaan na magtulungan upang matugunan ang mga suliraning kinakaharap ng kabataan.

Sa kanyang mensahe sa RCAM Kairos and Annual Recognition 2026 ng Caritas Manila, sinabi ni Fr. Pascual na malaking biyaya ang pagtatapos ng mga iskolar ng Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP na nakakuha ng college degree, dahil nagbibigay ang edukasyon ng kaalaman, kasanayan at tamang pananaw upang malampasan ang kahirapan, kawalan at kamangmangan.

Nagpasalamat din si Fr. Pascual sa mga donors at benefactors, gayundin sa libo-libong volunteers na patuloy na tumutulong sa pag-aalaga at paggabay sa mga iskolar ng Caritas Manila.

Binigyang-diin niya na mahalaga ang pagtutulungan ng pamahalaan, Simbahan at pribadong sektor upang matugunan hindi lamang ang kahirapan kundi maging ang mga epekto nito sa kabataan, kabilang ang karahasan sa pamilya, bullying at school violence.

Ayon kay Fr. Pascual, mga senyales ang mga suliraning ito ng mas malalim na hamon na nangangailangan ng panahon at atensyon, lalo na sa pag-aalaga at paggabay sa mga kabataan.

““Naniniwala po tayo na education is a great social equalizer upang tayo po ay magtagumpay sa kahirapan at kamangmangan, dahil nagbibigay ito ng knowledge, skills and attitude. Napakahalaga na magkaroon ng partnership ang all sectors, tulong-tulong ang gobyerno, Simbahan at private sector upang tugunan ang kahirapan at ang epekto nito. Andiyan ang mga karahasan sa pamilya, bullying at school violence. Ito ay mga senyales ng malalim na suliranin na kailangan nating bigyan ng panahon at atensyon ang pag-aalaga sa ating mga kabataan.,” ayon naman sa panayam ng Radyo Veritas kay Father Pascual.

Samantala, hinimok ni Second Congressional Commission on Education o EDCOM II Executive Director Dr. Karol Mark Yee ang mga nagsipagtapos na YSLEP Youth Servant Leaders na maging katuwang sa pagtugon sa mga hamon na kinakaharap ng mga bata at kabataan sa kanilang mga komunidad.

Hinikayat ni Yee ang mga graduates na tumulong sa paghahanap at paggabay sa mga batang nahihirapang bumasa, gayundin sa mga nakararanas ng bullying at karahasan sa paaralan, komunidad at maging sa tahanan.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pakikinig at presensya ng mga Youth Servant Leaders upang maipadama sa mga bata na hindi sila nag-iisa at mayroon silang maaaring lapitan, hangaan at gawing gabay sa kanilang paglaki bilang mabubuting Pilipino.

Hinimok din ni Yee ang mga nagtapos na isabuhay ang malasakit, konsensya at pagtulong sa kapwa bilang bahagi ng kanilang pananagutang panlipunan at pagiging tunay na lingkod sa komunidad.

Maiuugnay ang mga mensahe nina Fr. Pascual at Yee sa panawagan ni Pope Francis sa Fratelli Tutti para sa pagkakaisa at pagkakalinga sa mga mahihina at nangangailangan, kabilang ang pagsusulong ng edukasyon, formation, solidarity at paglilingkod bilang bahagi ng pagtugon sa mga ugat ng kahirapan.

Mahigit 500 YSLEP scholars mula sa Archdiocese of Manila ang nagtapos at nakakuha ng college degree ngayong school year, habang tampok din sa programa ang mga patotoo ng mga scholars at opisyal ng Caritas Manila.
Isinagawa ang pagkilala sa temang “Youth Servant Leaders: Walking in Faith, Living in Hope, Serving with Love,” at ito na ang ikalawang sunod na taon na idinaos ang programa sa Makati Coliseum sa pakikipagtulungan ng Caritas Manila at Makati City Government.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 51,228 total reads

 51,228 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 147,935 total reads

 147,935 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 192,204 total reads

 192,204 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 215,313 total reads

 215,313 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 288,177 total reads

 288,177 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 28,512 total reads

 28,512 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top